ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | Dec. 8, 2024
Nitong nakaraang linggo ay hinain sa Senado ang resolusyon para sa ratipikasyon ng bagong lagdang Reciprocal Access Agreement (RAA) na magpapalakas ng kooperasyon sa pagitan ng Pilipinas at Japan.
Layon ng resolusyon na ito na gawing ganap na kasunduang militar ang RAA sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at Japan.
Ang kasunduan ay nag-ugat sa naging pag-uusap sa PH-Japan Foreign and Defense Ministerial Meeting sa unang bahagi ng taon.
Sa pagpupulong na ito, nagpapakita ang dalawang bansa ng pagnanais na mapalalim ang kooperasyon sa depensa at seguridad sa rehiyon.
Ang RAA ay maituturing na katumbas ng Visiting Forces Agreement sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.
Nakasaad dito na ang mga pagsasanay militar ay pinapayagan sa ngalan ng interoperability, humanitarian mission at civic action.
Ayon din sa RAA, maaaring makapasok sa teritoryo ng magkabilang panig ang mga sundalong Pinoy at Hapones para makapagsanay.
☻☻☻
Suportado ng inyong lingkod ang kasunduang ito.
Magandang magkaroon tayo ng kasunduan tulad nito para mapagtibay ang ating sandatahang lakas.
Sa tulong ng kasunduan na ito, magkakaroon tayo ng mga pagsasanay na lilinang sa kakayahan ng ating mga sundalo.
Kailangang lagi tayong handa habang patuloy na ginigipit ang ating karapatan sa West Philippine Sea.
☻☻☻
Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.
Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice!
FOLLOW US! Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay
Opmerkingen