top of page
Search
BULGAR

‘Pinas, 3rd safest country sa Southeast Asia sa panahon ng Duterte admin

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Oct. 16, 2024



Prangkahan ni Pablo Hernandez

SA PANAHON NI EX-P-DUTERTE IKATLO ANG ‘PINAS SA SAFEST COUNTRY, TAMA ANG SINABI NI SEN. BONG GO, NAGING MAPAYAPA ANG PAMUMUHAY NOON NG MAMAMAYANG PINOY -- Matapos i-deny ni Sen. Bong Go ang isyung reward system sa drug war ng nakaraang Duterte administration, sinabi niyang nakinabang ang mamamayang Pinoy sa mapayapang pamumuhay sa ilalim ng pamumuno ni ex-P-Duterte dahil sa pagbibigay ng suporta sa mga law enforcement agency sa paglaban sa droga at kriminalidad.


Totoo ang sinabing iyan ni Sen. Bong Go, base sa resulta ng survey na isinagawa ng Gallup American analytics firm noong year 2022, panahon pa ito ng Duterte admin, ay ikatlo o rank 3 ang Pilipinas sa mga safest country sa Southeast Asia, palakpakan naman diyan!


XXX


MAS MARAMI PA RIN ANG DDS KAYSA MARCOS LOYALISTS -- Malaking kalokohan ang inilabas na survey ng OCTA na kesyo dumarami raw ang tagasuporta ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM) at nababawasan naman ang mga tagasuporta ng pamilya Duterte.


Nasabi nating kalokohan kasi sa totoo lang ay mas marami pa rin ang mga tagasuporta

ng mag-amang ex-P-Duterte at Vice Pres. Sara Duterte-Carpio kaysa tagasuporta ni PBBM at mapapatunayan iyan sa social media na aktibo na naman ang napakaraming Duterte Diehard Supporters (DDS) sa kapu-post ng mga batikos sa mga maling polisiya ng Marcos administration at kaunti lang ang mga loyalistang nagtatanggol kay PBBM, period!


XXX


IMBES NA TULUNGAN ANG MGA MAGSASAKA, MAS DINAMIHAN PA NG MARCOS ADMIN ANG KUKUHANING IMPORTED RICE NEXT YEAR -- Nakatakda pa lang mag-angkat ang Marcos administration ng 4.9 million tonelada ng imported rice next year, mas marami ito kumpara sa in-import ngayong year 2024 na 4.7 milyong toneladang imported rice.


Hay naku, imbes tulungan ang mga magsasaka para makapagtanim at makaani ng mas maraming palay, eh ang ginawa mas dinamihan pa ang iaangkat na imported rice, pwe!


XXX


DAPAT BINIBIGYAN DIN NG AYUDA NG MARCOS ADMIN ‘YUNG MGA MARALITANG JOBLESS, HINDI LANG ANG MGA MAY TRABAHO NA -- Libu-libong movie and TV industry workers ang nakatanggap ng ayudang tig-P5k, bigas at mga grocery items bilang bahagi raw ng “Bagong Pilipinas Serbisyo Fair” ng Marcos administration.


Pambihira naman, dapat mas inuunang bigyan ‘yung mga maralitang jobless Pinoy ng ganyang ayuda, hindi lang ‘yung mga nasa middle class citizens na may mga work na, period!

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page