ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | August 19, 2021
Wala pa ring patid ang pagbibigay ng karangalan sa It's Showtime host na si Vice Ganda kesehodang nawalan ng prangkisa ang kanyang home network na ABS-CBN.
Sa tatlong magkakasunod na taon ay pinarangalan muli si Vice Ganda ng Reader’s Digest bilang Most Trusted Entertainment and Variety Presenter sa Pilipinas ngayong taon.
Pahayag ng Unkabogable Star, “Kahit nabawasan ang reach ng network ko, kami pa ring Showtime hosts ang pinagkakatiwalaan ng publiko. Ang sarap sa pakiramdam na hindi nagbabago ang tingin sa akin ng mga tao. My following is still loyal," mensahe ni Vice sa ginanap na Reader’s Digest Trusted Brands Awards 2021.
Simula nang pumasok sa showbiz at namayagpag ang career ni Vice, labis niyang iniingatan ang sarili na baka pagdudahan o kuwestiyunin siya tungkol sa trust issue. Ayaw daw niyang makaranas ng anuman tungkol sa trust issue lalo na sa mga kasama niya sa bahay.
“Napakalaking bagay para sa akin ng tiwala. Ayaw na ayaw kong maka-experience ng trust issues sa mga kasama ko sa bahay, sa mga katrabaho ko, sa aking mga Kapamilya, sa aking mga kakilala at mga kaibigan.
"Kasi, 'di ba, kung walang trust, parang nawawala ang peace sa puso natin? Kasi alam naman natin na magkakambal ang trust at loyalty. When one is successful, a person will be surrounded by lot of people as a sign of support.
"But we have to be very careful who we will trust because not everyone who shows support could be really trusted. Trust is something that I value, and I am very careful in choosing the people that I will trust,” pangaral ni Vice.
Partikular daw na nakatuon si Vice sa mga taong kanyang pinagkakatiwalaan at sa mga taong nagtitiwala rin sa kanya. Kaya naman, sinusuklian niya ang mga taong pinagkatiwalaan din siya.
“In return, I am also very careful to make sure that I reciprocate that action. Other people must also trust me and I should also be loyal to those who trust me. It’s hard work, but this is the kind of hard work that I gladly accept.
“Trust is earned, and I worked very hard to earn the trust of the public. And that is something that I treasure.
"It’s difficult to lose the trust of other people because it’s really painful when we experience betrayal.
"As for me, I only gave my trust to a very few people. And it’s okay kahit konti lang sila kasi sure na sure naman ako that they will take care of my trust, as I am taking care of the trust that they gave me in return.
“For me, it’s painful when trust is lost, but I do not dwell on the pain and hurt. I always make sure to have a positive attitude.
"I acknowledge the pain and hurt, I do not escape from the pain and hurt. I move on and I do not dwell on anger. I dwell on love. Hindi dapat maputol ang cycle ng kabutihan. Hindi ito dapat maputol dahil ito ang magse-save sa humanity at ito ang reality na dapat nating tanggapin.
“Ang sarap makaranas ng kabutihan, at ito ang dapat ipasa natin sa ibang tao, sa lahat ng tao.
"Marami ang nagpapamalas ng kabutihan. Ang sarap sa pakiramdam na iparanas sa iba ang kabutihan. Goodness must always be shared.
“Kahanga-hanga ang mga taong nagpapamudmod ng kabutihan, at ‘yan ang isa sa mga major goals ko sa buhay ko,” pagtatapos ni Vice.
Comments