top of page
Search
  • BULGAR

Pinangalanang Zandro… JODI, MAY BAGONG AMPON

ni Nitz Miralles @Bida  | August 15, 2024



Showbiz News
Photo: Jodi Sta. Maria / IG

Pinasalamatan ng mga animal lovers si Jodi Sta. Maria sa ginawa niyang pag-adopt sa isang puppy habang nasa taping siya ng Lavender Fields (LF)


Ikinuwento nito sa Instagram (IG) kung paano niya nakita ang puppy na pinangalanan niyang Zandro o Z at nag-post ng photos ng lucky puppy.


Kuwento ni Jodi, “Hello everyone! Meet the newest member of my fur family-Zandro or Z!

“Yesterday at taping I noticed a small movement from afar. Hindi ko masyado pinansin kasi nagba-block si Direk Manny ng scene. So when it was time for us to move to position for our car chase scene, may dalawang puppy was just a little over a month old on top of a concrete barrier sa tulay. They were scared and didn’t know what to do. Obviously, they had been abandoned.


“Without hesitation bumaba ako sa picture vehicle at kinuha ang dalawa. Sinakay sa kotse at isinama sa car scene. O ‘di ba instant artista sila.


“The chocolate brown colored puppy was adopted by Direk Manny which he named Lav. I got this cutie and named him Zandro- kasi si Kuya Albert Martinez ang kasama ko when I found him.


“After pack-up I headed home with the newest member of our family. You are safe now little Z. Mommy will love and protect you.”


Nauna nang nag-adopt ng cat si Jodi na pinangalanan niyang “Naia” na sabi nito, nagbigay sa kanya ng “So much joy, love, and countless purrs into my life.”

Isinelebreyt pa nga nito ang National Kitten Day at may photos ni Naia. 


May paalala rin si Jodi sa mga may fur babies to have them spayed or neutered kung ayaw nilang dumami ang mga ito. May hashtag pa siyang #AdoptDon’tShop na kanyang ginagawa.


Ang daming nag-like sa post ni Jodi about little Z kabilang ang fur moms na sina Heart Evangelista, Carla Abellana, Rita Avila, pati sina Vina Morales, Jean Garcia, Lotlot de Leon, Cherry Pie Picache, Gabbi Garcia, Kathryn Bernardo, Jericho Rosales, Jolina Magdangal, Vina Morales at Gary Valenciano.


 

Naging cause ng online war ng Kapamilya at Kapuso fans ang lumabas na photo ni Jennylyn Mercado na may hawak na bouquet of flowers at may tarpaulin ng ABS-CBN sa kanyang likod. 


Nakadagdag sa tension ng mga fans ang caption ng photo na isang ganap na Kapamilya na si Jen. Pumirma na raw ito ng kontrata sa ABS-CBN kahapon at may press conference na sumunod para formal siyang i-welcome bilang Kapamilya. 


Ang daming nag-react, may mga nagalit sa GMA Network dahil bakit daw hindi nila ini-renew ang kontrata ni Jennylyn.


May mga nangantiyaw naman kay Dennis Trillo dahil nga sa naging isyu sa kanya tungkol sa ABS-CBN. Ano raw ang masasabi ng aktor na lumipat na talaga sa ABS-CBN ang asawa niya?


Mixed reactions naman ang ibang Kapamilya fans, may natuwa sa paglipat daw ni Jennylyn, pero may mga ayaw din. Marami raw Kapamilya stars na dapat i-prioritize ang ABS-CBN at hayaan na nila sa GMA Network ang misis ni Dennis.


Hanggang may nagsabing Photoshopped ang picture ni Jennylyn at inilabas ang original picture nito. Old photo pala ‘yun at sa GMA Network siya pumirma ng kontrata at may tarpaulin ng Kapuso Network sa kanyang likod.


Tsinek namin ang Facebook (FB) ng manager ni Jennylyn na si Becky Aguila, wala itong balita sa diumano’y pagpirma ng aktres sa ABS-CBN. May employee rin ang ABS-CBN na nagsabing fake ang balita, kaya medyo humupa ang sagutan ng dalawang kampo ng fans.


Hanggang hindi nakakapag-renew ng kontrata sa GMA Network si Jennylyn, hindi matatapos ang mga ganitong balita. 


Pero, sinabi naman nito sa launching niya bilang endorser ng Beautederm na Kapuso pa rin siya. Ang tanong, kailan siya pipirma sa GMA Network?


Iingay uli ang isyung ito kapag na-release na ang single ba o EP ni Jennylyn Mercado sa Star Music at dito talaga siya may kontrata.



0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page