ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Feb. 1, 2025
Photo: Coco Martin - IG
Namamayagpag at nasa peak ng kanyang success ngayon si Coco Martin. Nagbunga rin ang kanyang pagsisikap ng ilang taon bago nabigyang-pansin ang kanyang talento bilang aktor.
Ang TV version ng Ang Probinsyano (AP) ni FPJ, na tumagal ng pitong taon (7) sa ere, ang naging malaking factor kaya sumikat nang husto si Coco Martin at nagkasunud-sunod din ang malalaking endorsements niya.
Nagmarka si Coco Martin sa AP, at ngayon, tinatangkilik din ng kanyang mga fans ang Batang Quiapo (BQ) dahil sa malalaking artista na kasama niya sa pangunguna nina Sen. Lito Lapid, Charo Santos, Lorna Tolentino, Ivana Alawi, John Estrada, atbp..
Dahil sa BQ, nadoble ang kasikatan ni Coco Martin. Kilalang-kilala siya at pinagkakaguluhan kahit saan magpunta.
Sey nga ni Sen. Lapid, kung ginusto lang ni Coco Martin na kumandidatong senador ngayong midterm election, tiyak na panalo na siya at kasama sa Top 12 senatoriables.
Chika ng mga netizens, nang mag-lie low si John Lloyd Cruz (JLC) sa showbiz, nagkaroon ng puwang na mapansin si Coco Martin. Ang malalaking endorsements noon ni JLC ay kay Coco Martin napunta.
At dati-rati, sina JLC at Piolo Pascual ang pambatong aktor ng ABS-CBN. Ngayon, aktibo pa rin si Piolo Pascual sa pelikula pero wala siyang regular series tulad ni Coco Martin. At mas malalaki ang mga endorsements ngayon ni Coco Martin.
Habang nasa US sila ni Kobe…
KYLINE, BUNTIS, KALAT NA
Aware kaya si Kyline Alcantara na habang nasa U.S. sila ni Kobe Paras ay may kumakalat naman sa social media (socmed) na diumano ay inamin niyang buntis siya at si Kobe ang ama ng dinadala niyang baby?
Sana naman ay fake news ito, dahil labis na nanghihinayang ang kanyang mga fans. Gumaganda na ang takbo ng career ni Kyline at wrong timing kung bigla siyang titigil sa pag-aartista. Malayo pa ang kanyang mararating at marami pang oportunidad na naghihintay sa kanya.
Hindi naman tinututulan ng kanyang mga tagahanga kung ma-in love si Kyline kay Kobe Paras. Gusto rin naman ng mga fans na makitang masaya ang kanilang idolo. Pero matagal niyang pinaghirapan na maabot ang katuparan ng kanyang pangarap na sumikat. Halos abot-kamay na niya ang tagumpay at binigyan siya ng magagandang
shows ng GMA Network.
Sabi nga, isang malaking fake news ang balitang buntis si Kyline.
INSPIRADO at ganadong mag-promote ang cast ng Tolome, Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis (TWMNPSMNM) lalo na’t two weeks na lang silang mapapanood sa ere dahil campaign period na.
Kakandidatong muli sa pagka-senador si Sen. Bong Revilla, Jr., kaya itinodo na niya ang malalaking action scenes sa action-serye na napapanood tuwing Linggo ng gabi sa GMA-7.
Last week ay napanood na ang pagtulong ni Alyas Pogi kay Major Bartolome (Bong Revilla, Jr.) sa kanyang pakikipaglaban sa mga sindikato. Dalawa pang karakter ni Sen. Bong ang darating sa mga susunod na episodes at ‘yun ang dapat abangan ng mga viewers.
Samantala, magkakaroon ng motorcade ngayon ang cast ng TWMNPSMNM at iikot sila sa iba’t ibang barangay sa Kyusi. Ito ang paraan ni Sen. Bong upang magpasalamat sa lahat ng viewers na sumubaybay sa kanilang action-serye mula noong Season 1 hanggang Season 3.
Madalas na kasa-kasama at sidekick ni Sen. Bong Revilla si Niño Muhlach, na isa sa cast. Kasama rin sina Beauty Gonzalez, Carmi Martin, Jestoni Alarcon, Mae Bautista, Leo Martinez, atbp. Special guests sina Jillian Ward at Gloria Diaz.
Comments