top of page
Search
BULGAR

Pinakamatandang tao sa Pilipinas na si Francisca Susano, pumanaw na sa edad 124

ni Jasmin Joy Evangelista | November 23, 2021





Pumanaw na ang tinaguriang ‘oldest living person’ sa bansa na si Francisca Susano sa edad na 124, ayon sa LGU ng kanyang hometown.


Sinabi ng city government of Kabankalan sa Negros Occidental na binawian ng buhay si Lola Iska bandang 6:45 p.m. nitong Nobyembre 22.


Ayon kay City public information officer Jake Carlyne Gonzales, aalamin pa ng local health office ang dahilan ng pagkamatay nito.


Aniya, isasailalim sa COVID testing si Susano ngayong Martes, bagaman wala naman itong mga ipinakitang sintomas bago pumanaw.


Si Lola Iska ay ipinanganak noong Sept. 11, 1897, bago pa man maging malaya ang Pilipinas sa mga Español.


As of September nitong taon, bine-verify pa ng Guinness World Records ang mga dokumentong kinakailangan upang siya ay tanghaling pinakamatandang tao na nabubuhay sa buong mundo.


Noong Setyembre rin, ang Senior Citizens Party-list Representative na si Rodolfo Ordanes ay nag-file ng resolusyon upang mabigyan ng P1 M na cash gift si Susano bilang pagkilala sa kanyang "monumental achievement" at upang matulungan ang pamilya nito sa panahon ng pandemya.


Ngunit batay sa detalyeng naka-post sa House website, nananatiling pending ang resolusyon sa committee on senior citizens.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page