ni Jasmin Joy Evangelista | April 5, 2022
Umabot sa 150,597 o nasa average na 4,858 kada araw ang tourist arrivals sa Boracay Island noong nakaraang buwan, ang pinakamataas makalipas ang dalawang taon mula nang ideklara ang COVID-19 pandemic noong March 2020.
Ngunit sa kabila nito, nanatiling mababa ang bilang ng foreign visutory, mahigit isang buwan matapos payagang makapasok sa bansa ang fully vaccinated tourists mula sa visa-free countries.
Karamihan sa mga bumibisita sa isla ng Boracay — na nasa 146,440 — ay mga domestic tourists habang ang mga Pinoy na nakabase sa ibang bansa ay nasa 1,624 ang bumisita.
Ang mga foreign tourists naman ay nasa 2,533 o 1.68 percent.
Bahagyang mababa ang bilang ng tourist arrivals noong nakaraang buwan kumpara sa pre-pandemic figures — 160,070 noong January 2020 at 103, 834 noong sumunod na buwan, base sa datos mula sa tourism office ng Malay, Aklan.
Komentar