top of page

Pinakamalapit na kuha ng Haring Araw, ipinakita sa publiko

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 17, 2020
  • 1 min read

ni Thea Janica Teh - | July 17, 2020



Ito na marahil ang pinakamalapit na kuha ng Sun na nakuha ng scientist mula sa Europe. Ito ay parte ng pag-aaral ng European mission sa solar wind and flares na naabot ng impact pabalik sa Earth.


Nagmula sa Cape Canaveral sa Florida ang Solar Orbiter ng European Space Agency (ESA) noong February at nakumpleto ang unang paglipad sa bituin noong isang buwan. Bumalik ito ng may dala ng kuha ng araw na pinakamalapit sa surface nito.


The first images are exceeding our expectations. We can already see hints of very interesting phenomena that we have not been able to observe in detail before,” sabi ni Daniel Muller, Solar Orbiter project scientist sa ESA.


Ibinahagi rin ni Muller na ito na sa pagkuha ng pinakamalapit na litrato ng Sun, marami ng masasagot na katanungan tungkol dito.


Isa na rito ang naobserbahan ng team na isang dosenang miniature flare o tinatawag na “campfires” na kahit kailan ay hindi pa nakukuhanan ng litrato.


Ayon kay David Berghamans ng Royal Observatory ng Belgium, ang campfire ay million times smaller sa solar flares na makikita sa Earth.


"The Sun seems relatively calm on first viewing but when you look at it in detail you can see miniature eruptions everywhere," dagdag pa ni Berghamans.


Ang solar winds at flares ay naglalabas ng bilyong highly charged particles na nakaaapekto sa mga planeta kabilang ang Earth.


Matatapos ang Solar Orbiter sa loob ng 9 taon na gumastos ng halos $1.7 bilyon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page