ni Lolet Abania | June 28, 2020
Pinasinayaan ng Philippine Red Cross ang pinakamalaking covid-19 testing laboratory sa bansa, na may kapasidad na magsagawa ng 14,000 tests araw-araw, ayon kay Chairman at Sen. Richard Gordon.
Ayon kay Gordon, makakapag-test na ng higit pa sa 22,000 samples ang Red Cross sa Metro Manila dahil sa Port Area Molecular Laboratory na ito.
“We have finally inaugurated the Philippine Red Cross – Port Area Molecular Laboratory, the largest #COVID19 testing lab in the country, which has a capability of 14,000 tests per day. With this expansion, the Philippine Red Cross now has a capacity to test 22,000 samples a day in Metro Manila, which is the epicenter of the COVID-19 pandemic in the Philippines,” sabi ni Gordon.
Gayundin, ayon sa Department of Health, umabot na sa 16,000 output sa isinasagawang national daily testing. Nananatili pa rin ang Metro Manila na mayroong pinakamataas na kaso na may case positivity rate na 6.8 percent, kung saan anim sa 100 katao na na-test sa covid-19 ay nagpositibo.
Naitalang lagpas na sa 34,000 ang kaso ng coronavirus sa bansa, 1,236 ang namatay at 9,430 ang nakarekober.
Comments