ni Beth Gelena @Bulgary | Abril 14, 2024
Guest si Kaye Abad sa Fast Talk with Boy Abunda.
Sa nasabing programa ay inamin ng aktres na nang mag-break sila ng aktor na si John Lloyd Cruz ay nahirapan daw siyang mag-move on.
Naging magka-love team ang dalawa sa youth-oriented show ng ABS-CBN na Tabing-Ilog noon kung saan ang role nila ay magkasintahan na nauwi in real life.
Ani Kaye, sa lahat daw ng naging ex niya ay kay John Lloyd Cruz siya nahirapang mag-move on.
Pagbabahagi ni Kaye, "Ngayon ko lang nare-recall, nag-Tabing Ilog, hiwalay na kami. So, nahirapan ako mag-move on kasi magkatrabaho kami, Umabot sa point na mag-asawa kami sa Tabing-Ilog. So nahirapan talaga."
Patuloy pa ng aktres, "Tapos nagka-girlfriend siya after ko. Hindi na niya ako pinapansin kasi nagseselos 'yung girlfriend niya sa akin. So, nahirapan ako, Tito Boy."
Tinanong ng King of Talk kung sino ang tinutukoy ni Kaye na naging girlfriend ni John Lloyd.
Sagot ni Kaye, "Secret."
Naiintindihan naman daw ng aktres ang girlfriend ni JLC dahil siya pa rin ang ka-love team nito at may mga eksena na kailangan pa rin nilang maging sweet sa isa't isa.
Sa dahilan ng kanilang hiwalayan noon, "We broke up, not because wala nang love," ayon pa sa aktres na hindi na nagbigay pa ng ibang detalye ukol sa kanilang breakup.
Ngayon ay happily married na si Kaye sa dating actor/businessman na si Paul Jake Castillo at may dalawa na silang anak.
Samantala, si Lloydie naman ay bachelor pa rin ngayon at karelasyon ang artist na si Isabel Santos.
Comments