ni Nitz Miralles @Bida | July 3, 2024
May panawagan ang admin ng isang fan club ni Heart Evangelista na tigilan na ang internet war nila sa mga fans ni Pia Wurtzbach. Sana nga, maging simula na ito para matapos na ang bardagulan ng mga fans ng dalawa.
Heto ang post, “In behalf of (HEART WORLD) Heart’s fan club, once and for all, tigilan na natin ang internet war between these two Pinay, Heart & Pia. Instead suportahan natin sila pareho kasi marami silang kalaban sa fashion world na lalo pang dumadami every season.
‘Wag tayo mantapak ng ibang tao para umangat lang. Enjoy natin fashion week.”
May post din si Heart tungkol sa mga reels post niyang nawawala sa kanyang account.
“I never had these problems before but there will be a blessing after this. My advice to all my fans is just keep things positive no matter what everybody is different. I was never part of a category anyway and this no longer works for me. I have been in no competition before and I never plan to join one. I am here for me and I’m having fun so let’s keep the peace, if I am made a villain in this story it’s fine let them. I promise you God will always vindicate so let’s keep it positive.”
Binisita namin ang Instagram (IG) ni Pia at wala pang reaction ang mga fans nito sa panawagan ng mga fans ni Heart for a ceasefire. Hopefully, maging simula na ito ng pagtigil ng internet war ng dalawang kampo ng mga fans.
MAY mediation conference raw this Wednesday ang kampo ni Bea Alonzo at ang former driver ng aktres na nag-file ng reklamo sa National Labor Relations Commission.
Ang reklamo ng driver ay night shift differential pay, overtime pay, holiday pay, 13th month pay, illegal dismissal, maltreatment, harassment, and payment of separation pay.
Ayon sa lawyer ni Bea na si Atty. Joey Garcia, natanggap ng aktres ang physical copy ng reklamo sa kanya ng driver nu’ng June 25.
Sa statement na inilabas ng lawyer ni Bea, sinabi nitong “highly suspect” ang timing ng reklamo ng driver.
“Since he was made a witness to one of the respondents among the criminal case we filed, not to mention him being a lover as admitted, then the intent behind said filing & the timeliness of such filing are too obvious not to be noticed.”
Sa unang pahayag ng lawyer ni Bea, nilinaw na hindi sa aktres nagsilbi ang driver at three months lang itong nagtrabaho kina Bea. Ang nabasa namin, kung totoo, sa kapatid ni Bea ito nagsilbing driver at kasama sa trabaho nito ang ihatid at sunduin sa school ang mga pamangkin ng aktres.
And speaking of Bea, ramdam na proud siya sa Widows’ War dahil sa caption na ipinost sa behind-the-scenes ng murder mystery series na: “Visuals. Storytelling. Ensemble. Pasigaw! AHHHHHH.”
Abangan natin kung ano ang mangyayari sa mediation conference ng kampo ni Bea at ng dating driver niya. Matuloy pa kaya sa pagsasampa ng kaso ang mediation?
NAG-IIMBITA ang Eng Bee Tin na samahan sila na i-celebrate ang first-ever National Hopia Day na gaganapin sa Mall of Asia Music Hall on July 19-21. Babaha ng hopia in different variants.
Para sa mga hopia lovers ang event na ito at welcome rin ang hindi pa masyadong like ang hopia. The celebration is in commemoration of the Filipino-Chinese heritage and how hopia has become the symbol of the friendship and culture between China and the Philippines.
Ang Eng Bee Tin na nangunguna sa paggawa ng hopia ang nasa likod ng event. Nasa ika-12th year na pala nila sa paggawa ng hopia na ine-enjoy at paborito ng mga ‘Pinoy.
XIAN, INIRAMPA NA ANG GF NA PRODU SA PREMIERE NG MOVIE
MAGKASAMANG rumampa sa red carpet premiere ng Kuman Thong sina Xian Lim at Iris Lee. Rumampa sila hindi lang bilang couple. Si Xian kasi ang director, at producer naman for Viva Films si Iris na nag-produce ng movie.
In fairness, Xian and Iris made a lovely couple at tinawag ng mga nasa premiere night ang presence nila na kanilang debut.
Sina Cindy Miranda, Althea Ruedas and Thai actor Max Nattapol ang mga bida sa horror movie.
Comments