ni Ambet Nabus @Let's See | Dec. 13, 2024
Photo: Lito Lapid at Lorna Tolentino - Instagram
Meanwhile, mas feel naman ni Lorna Tolentino na mag-ala-prinsesa siya kapag itini-treat sila ni Sen. Lito Lapid sa set ng Batang Quiapo (BQ).
Lagi raw kasing nagdadala o nagpapaluto ng mga Kapampangan dishes ang senador kapag may taping sila at though para sa lahat ‘yun, ‘special’ ‘yung kay LT na laging nagre-request daw ng adobong puti at iba pang kilalang pagkain na mga taga-Pampanga lang ang magaling magluto.
At dahil trending nga ang maituturing na pinakamatandang love team sa TV na PriManda (mga karakter nilang Primo at Amanda sa Batang Quiapo), napagkakamalan daw tuloy na kahit off-cam na ay may something sila.
“Para naman akong teenager n’yan. Work lang talaga, it’s just that ‘yung mga action heroes kumbaga ay tini-treat nilang mga reyna ang mga leading ladies nila. Nakita ko na ‘yan noon pa kina FPJ, kay Daboy (Rudy Fernandez). Talagang ganu’n sila,” paliwanag ni LT nang makausap namin.
“I’m shocked. I don't know what to feel,” sagot ni Alfy Yan nang ibigay daw sa kanya ng kanyang Tita Claudine Barretto ang relo ng yumao niyang uncle na si Rico Yan.
Ang nasabing relo ang suot-suot pala ni Rico nu’ng mamatay ito at kinuha nga ito ni Claudine at inalagaan nang ilang taon.
“It’s still working, look,” habang ipinapakita sa amin ni Alfy ang nasabing relo na kulay grey black na hindi namin nakuha ang brand.
“Yeah, this is sort of iconic na. Based from what I have heard and learned about my Tito Rico, lalo akong nagiging interested na makarinig ng mga kuwento on him,” dagdag pa ng latest addition sa Viva Artist Management.
Igu-groom muna ang 19 years old na si Alfy bilang sports celebrity bago ito bibigyan ng mga showbiz-related projects.
Kasama ang kanyang nanay sa pagpapakilala sa bagets na talaga namang kamukhang-kamukha ni Rico sa maraming anggulo, pati ang pamatay na “mga mata at ngiti”, na mismong si Claudine ay finally nakumbinse ngang pumasok na rin sa showbiz si Alfy.
Kasalukuyang nag-aaral sa Ateneo de Manila si Alfy Yan at kahit lumaki siya abroad ay nakakapagsalita at nakakaintindi ng Tagalog.
“Still in the process of polishing it (Tagalog), konti pa po,” sey nito.
SPEAKING of values, “hope” naman ang tema ng Green Bones (GB), entry nina Dennis Trillo at Ruru Madrid sa 50th MMFF.
Base sa trailer na napanood namin, seryosong action-drama ang entry ng GMA Pictures at dahil kilala nating very competent si Dennis as an actor, nangangamoy Best Actor ito para sa kanya.
“Naku, lagi ko po namang sinasabi na bonus na lang ‘yan. Kung ibibigay po ay salamat pero mas masarap makitang maraming manonood ang mag-e-enjoy sa entry namin,” saad ni Dennis na sobrang kinamuhian sa kanyang Japanese role sa Pulang Araw (PA) TV series.
“Ay, sobrang iba po. Dito sa Green Bones, talagang pinag-aralan po namin ‘yung buhay-preso, tapos may challenge pa na nag-sign language ako dito dahil may pagka-deaf and mute ang role ko. Pero ang pinakamaganda sa movie ay ‘yung lutang na lutang na value ng “hope”.
“Na kahit ‘yung pinakamasama pang tao ay may pag-asa pang mabuhay nang normal basta mabigyan ng chance na magbago,” dagdag pa ng aktor.
Mula sa panulat ni national artist Ricky Lee at sa direksiyon ng last year's Best Director na si Zig Dulay, bibida rin sa GB sina Ruru Madrid, Iza Calzado, Alessandra de Rossi, Michael de Mesa, Wendell Ramos, Ronnie Lazaro, Royce Cabrera, Mikoy Morales at Kylie Padilla.
‘Kakaiba!