ni Beth Gelena @Bulgary | Dec. 30, 2024
Photo: Kyle Echarri at Bela Padilla IG @kyleecharri
Pinuna ng mga bashers ang tweet ni Kyle Echarri sa pakikipag-celebrate ni Bela Padilla ng Christmas sa pamilya ng young actor.
Sa Instagram (IG) Stories ni Kyle ay may caption siya na: “Happy birthday, Jesus Christ From mi Pamilya and our new @bela in the family.”
Ang tinutukoy ng actor ay ang naging ina niya sa Pamilya Sagrado (PS) na si Bela Padilla.
Binigyang kahulugan agad ng mga netizens ang post ni Kyle. Kesyo ang bata raw nito para maging jowa ng direktor-actress.
Komento nga ng ibang mga netizens:
“Nasaan ang utak ng mga nag-comment?”
“Grabe! May saltik ang mga bashers. Nakapag-Noche Buena kaya ang mga ito? Hinangin na ang mga utak.”
“Grabe na ngayon mga mema at bashers sa social media. Dati, kulang lang ng aruga, ngayon, kulang na ng utak.”
“Lord, ano na ba nangyayari sa mga tao ngayon na sobrang pakialamera? Given na ‘yung hindi mapapalitan talaga ‘yung nawalang kapatid ni Kyle and they know it, pero bakit kailangang mambasag pa ng post ng may post? Mga hindi lang marunong umintindi ang mga nag-comment. God bless them and sana, magbago na sila hindi na sa 2025 but now na!”
“Trying to be witty with his caption. ‘Di na n’ya inisip kung insensitive na ‘yung meaning ng new bella in the family. He was not thinking talaga.”
“Insensitive? Kanino, sa mga ‘di nila ka-close? Nasaan utak ng tao? Hilig n’yong ma-offend para sa iba, eh, sila mismo ang namatayan. Marunong pa kayo sa nararamdaman ng namatayan?”
“Itinag pa talaga ‘yung syota ni Bela. Mga obsessed tards ni Kyle ‘yan at halatang nagpapapansin at gustong maka-trigger. Siguro, dapat may mental/psychological test muna bago magka-account sa mga social media. Lunatic na talaga ‘yung iba ‘pag nag-comment, kaya wala akong social media. Nagpapatay nga ako ng cellphone para ‘di ako maistorbo, makikinood pa ako ng buhay ng iba.”
“Wala namang masamang sinabi sa caption? Grabe ang babaw na talaga ng comprehension level ng mga keyboard warrior ngayon. Or lahat na lang ginawa na nilang issue. Jusme!”
Sa IG naman ni Bela, sana ay maintindihan ng bashers kung bakit siya nasa pamilya ni Kyle.
Ani Bela, “Bela as a kid. Christmas time was always challenging...maybe even a bit difficult to navigate because I didn't celebrate it. I thought this would get easier but it’s actually proving to be otherwise. I notice that I’m starting to feel more and more displaced. London is a haven for me because my sisters and my brother take me in during the holidays. They don’t force me to say anything or to practice their traditions. I’m just welcome to be among family, eating good food, plus Ceri has the warmest home in winter but when I’m in Manila in December, I purposely make very minimal plans, like I was taught growing up, so I don’t think of the day itself as ‘special’. So this year was supposed to be a Netflix marathon with my puppy, Alfie but when my good friend, Kyle asked me where I’d be and I told him what plans were he decided to adopt for the holidays we all did our own thing. I would sit right in front of the ocean trying to get a signal to update Norman that I’m with Kyle, would be somewhere working out or fixing the details of more people coming in the next few days.”
Kuwento pa ni Bela, dinala raw sila ng ama ni Kyle sa Negros Occidental via speedboat samantalang ang mom naman ni Kyle ay nag-prepare ng delicious foods. Ang saya umano ng family ni Kyle.
“People came and went and more will come and go in their beach house in the next few days but I feel very blessed and happy to have been welcomed in for a few days to enjoy the ocean, the mountains the rain in the fact that this time next year, I won’t know where I’ll be, but I know that if I won’t be in my sister’s home in Collingham. There’s a bungalow in Cebu that takes in strays like me.”
Sey nga ng mom ni Kyle, “You are always welcome in our family @bela we feel blessed to know you personally & very glad we did thank you for spending your Christmas with us you brought joy to us. I am sure our Bella is smiling too watching over all of us. Next Christmas ulit?”
Sagot ng actress, “Game, Tita. I’ll fix my Bohol house na rin para you can rest naman at mine.”
Comment ng isang netizen, “Parang you had a very sad childhood.”
“No not at all, just be very different,” pakli niya.
Ayan, sana tigilan na ng mga Marites ang maging judgmental, walang magawang mabuti ang mga iyan sa kapwa.
Walang anumang isyu kina Bela Padilla at Kyle Echarri kundi ang pagiging magkaibigan.
‘Di raw bet ng jury dahil sa patayan…
BEST FLOAT NG MOVIE NINA VILMA, AGA AT NADINE, PAKONSUWELO LANG
Ang daming nagtatanong, bakit wala man lang daw napanalunan ang pelikulang Uninvited ng Star for All Seasons na si Vilma Santos-Recto sa 50th Metro Manila Film Festival (MMFF) Gabi ng Parangal.
Umpisa pa lang kasi ay mainit nang pinag-uusapan ang produced ng Mentorque Productions na hahakot ito ng award. Kung tutuusin, maganda ang Uninvited, lalo pa’t mga de-kalibreng artista ang nasa cast.
May nagsasabing siguro raw ay hindi bet ng mga jury ang tema ng pelikula ni Ate Vi na patayan.
Anyway, magkagayunman, kudos sa tatlong mahuhusay na lead stars. Sa puso ng kanilang mga fans ay winner ang Uninvited movie.
May tsika pa nga kaming nasagap na pakonsuwelo de bobo na lang daw na ipinanalo ng MMFF na Best Float ang Uninvited na ka-tie ng Topakk nina Julia Montes at Arjo Atayde ng Nathan Studios.
Comments