'DI PA RIN MAKA-MOVE ON.
ni Julie Bonifacio - @Winner | July 03, 2021
Binati ni Karen Davila ang ABS-CBN news reporter na kinuwestiyon ni Presidente Rodrigo Duterte nu’ng tanungin siya sa nababalitang pagtakbo niya bilang bise-presidente sa next elections.
Ini-repost ni Karen sa kanyang Twitter account ang ipinost ng Rappler sa kanilang socmed accounts na video interview kay P-Digong ng Malacañang press, kabilang na ang ABS-CBN female news reporter, last July 1.
Sa caption ni Karen ng ini-retweet na post from Rappler, inilagay niya ang tanong ng ABS-CBN news reporter at reaksiyon ni P-Digong.
Caption ni Karen, “PRRD: You’re from ABS-CBN, you’ll campaign against me?"
“Reporter: No sir. I’m just following up a story.”
Hindi naman napigilan ni Karen na maghayag ng saloobin sa paninita ni P-Digong sa ABS-CBN news reporter.
Karugtong na caption ni Karen sa kanyang post sa Twitter, “First, kudos to our reporter for her gracious response. Second, binaon na nga nila ang ABS-CBN, ito pa ang iisipin? Can we please move forward from this vindictiveness?”
Sinuportahan ng mga netizens ang tweet ni Karen.
“Somehow takot pa rin siya sa impluwensiya ng ABS-CBN at dahil alam naman niya siguro na sobrang dami niyang kapalpakan.”
“1 yr & a half na ipinasara niya ang ABS-CBN, 'til now, hindi pa rin maka-move on, nagtanim ng poot at galit. Jusmiyo, alisin mo na 'yan sa puso at isip mo para guminhawa man lang nang konti ang buhay ng mga nawalan."
Nag-reply din sa tweet ni Karen ang co-founder and CEO ng Rappler at dating kasamahan niya sa ABS-CBN News & Current Affairs na si Maria Ressa.
“Not just vindictiveness but abuse of power,” post ni Maria Ressa.
Comments