top of page
Search
BULGAR

Pinag-iingat sa kalusugan… IVANA, HINULAANG MAMAMATAY NGAYONG 2025

ni Ambet Nabus @Let's See | Jan. 16, 2025



Photo: Ivana Alawi at Rudy Baldwin - IG, YT / Rated Korina


Umalis na pala si Ivana Alawi bilang endorser ng isang jewelry brand at bilang business partner din ng Cebu branch nito.


Hindi naging malinaw ang pag-alis ni Ivana pero may mga nagsabing marahil ay nagiging mas maingat lang ngayon ang aktres-vlogger, lalo’t napapadalas nga ang pagsabit sa mga endorsers kapag nakakasuhan ng legal.


May mga unconfirmed reports ding hindi umano na-meet ng kumpanya ang ilang demands ni Ivana pagdating sa ‘sosyo’.


Samantala, wala pa ring ibinigay na reaksiyon si Ivana kaugnay ng sinasabing hula ni Rudy Baldwin patungkol sa kilalang vlogger-aktres na mamamatay this year kung hindi mag-iingat o aalagaan ang kalusugan.


Marami kasi ang nagsasabing sa tila pa-blind item na hula na ginawa ay swak sa identity ni Ivana Alawi ang sinasabing personalidad.


 

Sa June hanggang August daw…

KORINA, BINALAAN SA MALAGIM NA PANGYAYARI



Speaking of which, marami rin ang namba-bash sa naturang ‘fortune teller’ na lumabas sa programa ni Ateng Korina Sanchez kamakailan.


Bukod sa pinagtatalunan ang gender identity nitong si Rudy Baldwin (babae pala talaga siya), may mga nagsasabing nagpapabibo umano ito bilang may mga naging predictions daw itong nagkatotoo last year.


Ang nakakalokang tsika na nabalitaan namin ay mismong hinulaan niya si Ateng Korina na kailangang mag-ingat din sa mga buwan ng June-August dahil may malagim umanong mangyayari rito.


Nakakabaliw!!!


Sana, pinahulaan din kung ano ang mangyayari sa kaso nina Bossing Vic Sotto at Darryl Yap. Hahaha!


 

Gets mo ‘yun, Direk Darryl?

“HUMILITY IS THE BEST POLICY” — VIC



“Humility is the best policy,” ang pasok na pasok na quotation ni Bossing Vic Sotto na may bagong ineendorsong produkto.


Sa panahon daw kasi ngayon, kakampi ng katotohanan ang pagpapakumbaba dahil ayon nga raw sa banal na aklat, itinataas ang mga marunong magpakumbaba.


Well, sa pinagdaraanan ngayon ni Bossing na labang-legal kontra Darryl Yap, marami kasi ang nagsasabing sobrang layo ng agwat ng status nila ng iskandalosong direktor and yet, ginawa ni Bossing ang sa tingin niya ay nararapat at para sa kanya ay pagpapakumbaba iyon.


Kaya nga lalo siyang itinataas ng tadhana dahil imbes na siya ang mawalan, heto at dinadagsa pa rin siya ng mga endorsement offers. Pagpapatunay ng kanyang reliability, trustworthiness at effectivity bilang inirerespetong endorser.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page