top of page
Search

Pinag-iingat din sa bagong labs… KYLINE, BINAWALANG BITBITIN SI KOBE SA GMA GALA 2024

ni Nitz Miralles @Bida  | July 4, 2024



Showbiz News

Pati ang lips ni Kyline Alcantara ay pinansin ng basher nito at kahit nilinaw ng fan ng aktres na dahil lang sa lipstick kaya kumapal ang lips niya, ayaw maniwala ng basher. 

Tinanong na pala ng kanyang fans si Kyline tungkol sa kanyang lips at sinabi ngang dala lang ‘yun ng lipstick.


Anyway, matagal na ring walang ayuda sa kanilang shippers sina Kyline at Kobe Paras. Wala silang photos na spotted sila sa mga pinupuntahan nilang lugar. Sinunod yata ni Kyline ang payo sa kanya ng ilang malalapit na kaibigan na maging careful kapag lumalabas sila ni Kobe.


Kaya lang, paano maiiwasan ng dalawa kung kapag nasa labas sila, ready agad ang mga netizens sa pagkuha ng kanilang photos? Kahit nga nakatalikod o nakatagilid ang dalawa, basta makunan lang ng larawan.


Saka, paano maiiwasang makunan sila ng pictures kung sa isang bar na kanilang pinuntahan, nakipag-jamming si Kyline sa banda. May picture rin na makikitang very proud si Kobe habang kinukunan ng video ang aktres.


Kaya lang, totoo bang Kyline was advised by her team to go solo sa GMA Gala 2024? Ibig sabihin, walang escort na darating sa event ang isa sa mga bida ng Shining Inheritance, na tiyak ikadi-disappoint ng kanilang mga fans. Hinihintay pa naman nilang rumampa sina Kyline Alcantara at Kobe Paras sa event.

 

SI Sharon Cuneta at hindi si Jennylyn Mercado ang pumirma ng kontrata kahapon sa ABS-CBN. 


Sa Instagram ng Dreamscape, unang ibinalita ang kanyang pagbabalik at kahit “She’s Coming Home” lang ang nakasulat, nahulaan agad na si Sharon ang tinutukoy na magbabalik.


Sa update post ng Dreamscape, nakasulat na ang “Mega Announcement” at “Something MEGA is about to come tonight. WATCH OUT on TV PATROL!” 


Kagabi ang nasabing announcement at kasama na rin siguro na in-announce na ang gagawing teleserye ni Sharon sa ABS-CBN ay pagsasamahan nila ni Julia Montes. 


Sa kanyang IG, ini-repost ni Sharon ang post ng Dreamscape na "Mega Announcement" at sunud-sunod ang pagko-congratulate sa kanya. Excited ang mga fans na muling mapanood nang regular sa telebisyon si Sharon at ang request pa nila, habang hinihintay ang kanyang teleserye ay mag-guest muna siya sa Batang Quiapo.


Anyway, isa pang inaabangan sa gagawing teleserye ni Sharon ay kung sino ang kanyang makakasama bukod kay Julia Montes. Maraming anak-anakan sa Kapamilya si Sharon Cuneta at hindi mahihirapan ang Dreamscape na pumili ng makakasama ni Mega sa kanyang comeback teleserye.


 

Sa bagong update na ipinost ni Arnold “Igan” Clavio, ang pagpapa-checkup niya sa St. Luke’s Quezon City ang ipinasilip. 


Sa simula ng video, makikita siyang mabagal na naglalakad on his way to his doctor’s clinic at may gamit na tungkod.


Sabi ni Igan, “Thank you Lord, malakas na! Ayon sa aking neurologist na si Dr. Grey Dayrit. Pero need pa rin ng rehab at therapy para bumalik sa normal ang aking balanse. Meron pa rin na pamamanhid sa right arm and leg due to neuropathy na complications ng diabetes. Next need ko ulit mag-undergo ng CT scan para makita kung natigil ba o kumalat pa ang pagdurugo sa left side ng aking utak. Salamat sa inyong ipinarating na panalangin.”


Ipinost din ni Arnold ang mga ginawa sa kanya sa checkup ng kanyang doctor at nabanggit nito na matatagalan pa bago siya makabalik sa Unang Hirit at Saksi


Magpapagaling muna nang husto si Arnold bago balikan ang trabaho sa telebisyon at sa radio.


 

NAG-TREAT ng food sa fastfood si Dingdong Dantes sa team ng Amazing Earth sa taping nila, kaya busog na nagpasalamat ang lahat mula sa director ng infotainment show na si Director Rico Gutierrez. 


Pa-burger ‘yun ni Dingdong dahil isine-celebrate ng show ang kanyang six years at special ang mga episodes na mapapanood sa buong July.


Three-part series titled Mga Adventures na may Puso para sa Kalikasan ang handog ni Dingdong at ng AE na ang second special series ay airing sa Friday, July 5. 


Tinanggap ni Dingdong ang hamon for him to go underwater for a breathtaking helmet dive with cousin, actor Arthur Solinap.


May feature rin kay Pinoy global surfing champion Jay-R Esquivel Jr. at ise-share nito ang dedication niya sa sport.


Don’t miss Amazing Earth sa GMA-7 at talagang maraming matututunan ang mga viewers mula kay Dingdong Dantes at sa kanyang mga guests.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page