top of page
Search
BULGAR

Pinabayaan na ng pamilya? MARK ANTHONY, NAKIKITIRA NA LANG SA KAIBIGAN

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | August 7, 2020




Labis naming pinagtatakhan ang lumabas na post ni Mark Anthony Fernandez sa social media kamakailan lang. May hugot at nagpapahiwatig siya na kailangan niya ng pagdamay at moral support mula sa kanyang pamilya.

Matagal na raw na hindi nakikita-nakakasama ni Mark Anthony ang kanyang non-showbiz wife at ang kanilang mga anak. Nangungulila na raw ang aktor at gusto na silang makasama.

Sa kasalukuyan ay nasa Pampanga si Mark Anthony at nakikitira lang sa isang kaibigan. Ano'ng nangyari at pinabayaan na si Mark Anthony ng kanyang pamilya? Nasaan na ang kanyang mama na si Alma Moreno at mga kapatid na sina Vandolph, Winwyn atbp.? Tuluyan na ba nilang kinalimutan ang aktor?

Ang alam namin, mahal na mahal ni Ness (Alma) ang panganay niyang anak na si Mark Anthony. Kapag may problema ang anak ay ginagawa niya lahat ang paraan upang maisalba ito.

Hindi kayang tiisin ni Alma si Mark Anthony. For sure, kapag nakarating kay Moreno ang sitwasyon ngayon ng anak, agad-agad niya itong hahanapin at dadamayan.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page