top of page
Search
BULGAR

Piloto ng PAF, patay sa pagbagsak ng chopper

ni Lolet Abania | April 27, 2021




Isang piloto ng Philippine Air Force ang namatay matapos na bumagsak ang kanilang chopper sa Jetafe, Bohol ngayong Martes nang umaga.


“The men and women of the Philippine Air Force, led by the Commanding General, Lieutenant General Allen T. Paredes, deeply grieves the loss of an aircrew who offered his life in the line of duty,” ayon sa isang pahayag ng PAF.


Sa ulat, ang MD520MG No. 410 na helicopter mula sa 15th Strike Wing ay bumagsak bandang alas-9:30 ng umaga ngayong Martes habang nagsasagawa sila ng engineering flight.


Ang mga rescuers, kabilang na ang mga miyembro ng 505th Search and Rescue Group ay agad na nagtungo sa pinangyarihan ng insidente upang masagip ang mga aircrew ng chopper, kung saan naisugod sila sa pinakamalapit na ospital.


Tatlo sa mga aircrew ang nakaligtas sa pagbagsak ng helicopter, ayon sa PAF.


Agad namang ipinabatid sa pamilya ng mga nasabing aircrew, maging sa naiwang pamilya ng pilotong nasawi, ang insidente.


Sasagutin ng ahensiya ang lahat ng kinakailangang assistance at financial aid para sa mga biktima.


Samantala, ayon sa PAF, ang chopper ay nakalapag sa lupa ng MD520 fleet.


Tiniyak din ng Air Force sa publiko na ang lahat ng kanilang air assets ay sumailalim sa istrikto, regular at paulit-ulit na maintenance inspections bago at matapos ang mga flight missions.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page