top of page
Search
BULGAR

PILOT EPISODE NG BAGONG SHOW NG TVJ SA TV5, NANGUNA AT NAKAKUHA NG 330K ONLINE VIEWS

by Entertainment @Showbiz Article | July 1, 2023



HISTORY nga na matatawag ang araw na ito sa mundo ng Philippine Televison dahil nagtapatan ang tatlong bigating noontime shows ngayong Sabado, July 1, 2023.

Nagsimula na ngayong araw ang bagong noontime show nina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon at mga Dabarkads sa TV5.


At ito rin ang unang araw ng pag-ere ng It's Showtime nina Vice Ganda, Anne Curtis, Vhong Navarro, Jhong Hilario, Kim Chiu at iba pa sa GTV ng GMA-7.


Ipinagdiriwang din ngayong araw ng bagong Eat... Bulaga! ng TAPE, Inc. ang kanilang first monthsary sa TV, kasama ang mga hosts na sina Paolo Contis, Isko Moreno at iba pa.


At dahil sa nangyaring tapatan sa pagitan ng tatlong noontime shows sa telebisyon, nasaksihan at nalaman natin kung ano ang mas pinapanood at tinatangkilik ng mga viewers.


Nag-trending sa social media ang pagbabalik-telebisyon ng TVJ at mga Dabarkads.


Umabot sa mahigit 330K ang naitalang online views ng kanilang bagong show.


Kumabaga, halos buong bansa na ang tumutok at nanood sa naturang pilot episode.


Samantala, sinubukan naman ng mga fans and supporters ng It's Showtime na tapatan at habulin ang viewership ng bagong show ng TVJ at nakapagtala nga sila ng 55.3K online views.


Ang nahuli at naging kulelat sa naging tapatan na ito ng mga noontime shows sa TV ay ang bagong Eat... Bulaga! ng TAPE, Inc. dahil nakakuha lamang sila ng 1.9K online views, hindi man lang sila umabot sa kahalati ng viewership ng bagong show ng TVJ at It's

Showtime.


Tiyak na mas magiging kaabang-abang ang pagtatapatan ng tatlong noontime shows sa ere sa mga susunod na araw. Abangan natin iyan!


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page