ni Bong Go @Bisyo Magserbisyo | Enero 27, 2024
Isang banta sa ating soberanya kung papayagan ang International Criminal Court (ICC) na manghimasok sa mga isyung panghukuman sa ating bansa dahil mayroon naman tayong working and independent judicial system na pinagkakatiwalaan.
Nagsalita na ang ating Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. ukol sa plano ng ICC na magsagawa ng imbestigasyon sa ginawang pagbaka ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa paglaganap ng ipinagbabawal na droga sa ating bansa.
Sinabi niya na for the nth time, hindi niya nire-recognize ang jurisdiction ng ICC dito sa Pilipinas. Para sa kanya, threat ito sa ating sovereignty.
Gaya rin ng sinabi ni dating Supreme Court Chief Justice at ngayon ay Executive Secretary Lucas Bersamin: “The Philippines already has a functioning justice institution and that the procedures are in place.”
At para sa akin, bilang inyong senador, gaya ng sinabi ko noon pa, “only Philippine courts operating under Philippine laws can judge former president Duterte.” Hayaan nating ang ating husgado o ang ating judicial system ang humusga sa dating pangulo at pati na rin sa sinumang Pilipino na nahaharap sa anumang kaso laban sa kanya sa loob ng ating bansa.
Ang kanyang ipinaglaban noon ay ang interes, kapakanan at kinabukasan ng ating mga anak. Sa aking mga kababayan, kayo na ang humusga kung nakakalakad ba ang inyong anak nang hindi nasasaktan at hindi nababastos sa panahon ni dating Pangulong Duterte.
Let me reiterate, we have an independent and working judiciary. We have functional investigative bodies. We are no longer a colony of any foreign country. Let us protect our sovereignty and the independence of our judiciary. Insulto para sa mga Pilipino na ang magdikta sa atin ay banyaga na hindi alam kung ano ang totoong sitwasyon dito sa ating bansa.
Ipaglaban natin ang ating karapatan bilang Pilipino at unahin natin ang kapakanan ng kapwa nating Pilipino. Kung kaya’t sa gitna ng mga isyu na ito, tuluy-tuloy pa rin ang ating paghahatid ng serbisyo sa ating mga kababayan.
Naging panauhin tayo sa ginanap na Service Awards and Recognition Event para sa ika-42 anibersaryo ng Lung Center of the Philippines noong January 24, sa imbitasyon ni Dr. Avelino de Chavez. Pinasalamatan natin ang mga service awardees, ang mga nabigyan ng pagkilala, at ang lahat ng health workers at kawani ng LCP dahil sa kanilang naging sakripisyo lalo na noong panahon ng pandemya at hanggang ngayon para mapangalagaan ang buhay at kalusugan ng mga Pilipino.
Sa ating bisita doon, nagbigay tayo ng konting tulong sa health workers na pinarangalan. Nagpa-lugaw rin tayo sa mga pasyente at frontliners noong binisita ko ang Malasakit Center ng ospital. Pinakinggan rin natin ang mga pasyenteng lumapit at humingi ng tulong. Sinabi ko sa kanila na prayoridad ko ang proteksyunan ang kanilang kalusugan dahil katumbas ito ng buhay ng bawat Pilipino.
Nagpapasalamat naman tayo sa provincial government ng Occidental Mindoro na opisyal tayong kinilala bilang adopted son ng lalawigan. Personal na dinala at iprinisinta ni Board Member Alex Robles del Valle sa ating opisina ang resolusyon ng Sangguniang Panlalawigan. Isang napakalaking karangalan para sa atin na maging kapatid ng mga Mindoreños.
Naging panauhing pandangal at tagapagsalita naman tayo sa pagbubukas ng 2024 Kalinga Provincial Athletic Meet noong January 25. Ang naturang athletic meet ay nilahukan ng mahigit 2,000 atleta mula sa Kalinga province. Nakiisa ako kasama sina Congressman Allen Jesse Mangaoang, Governor James Edduba, Vice Governor Jocel Baac, Rizal Mayor Karl Baac, Pasil Vice Mayor Benny Magangat, Tinglayan Mayor Sacrament Gumilab, Tanudan Vice Mayor Constancio Dalayap, Balbalan Vice Mayor Rowina Damia, Lubuagan Mayor Joel Tagaotao at Vice Mayor Jun Saclag, at iba pang opisyal.
Bilang chair ng Senate Committee on Sports, suportado natin ang mga ganitong grassroots sports program. Mabisang paraan din ito para mailayo ang ating mga kabataan sa kaway ng droga, iba pang bisyo at krimen. Gaya ng madalas nating ipayo sa mga Pilipino: “get into sports, stay away from drugs to keep healthy and fit”. Binisita rin natin ang ginagawang bagong kalsada sa Bono-Bongat Road, Rizal. Ang naturang proyekto ay naisulong sa ating pamamagitan.
Matapos ay dumiretso naman tayo sa Isabela para personal na saksihan ang inagurasyon ng itinayong Mallig Super Health Center. Nag-inspeksyon din tayo sa bagong tulay at Public Market sa lugar, na naisulong sa ating tulong kasama ang lokal na pamahalaan sa pangunguna nina Mayor Jose Philip Calderon at Vice Mayor Diosdado Felipe. Nagpapasalamat naman ako sa Sangguniang Bayan ng Mallig dahil sa bisa ng isang resolusyon ay inihayag nila ako bilang adopted son ng bayan.
Dumalo rin tayo sa ginanap na Bambanti Festival sa Ilagan City, sa imbitasyon ni Governor Rodito Albano, Vice Governor Bojie Dy, Mayor Josemarie Diaz at iba pang lokal na opisyal doon. Binisita natin ang booths at exhibits tampok ang mga lokal na produkto mula sa iba’t ibang bayan ng Isabela. Isa tayo sa may-akda at co-sponsor ng Republic Act No. 11960, o ang One Town, One Product (OTOP) Philippines Act na naging ganap na batas noong August 24, 2023 para masuportahan ang mga lokal na produktong gawang Pilipino.
Sinaksihan din natin ang groundbreaking ceremony ng itatayong Echague Super Health Center kasama si Mayor Kiko Dy at iba pang opisyal.
Kahapon, January 26, personal nating dinaluhan ang groundbreaking ng itatayong Barangay Dawan Super Health Center sa Mati City. Matapos ito ay sinaksihan din natin ang ceremonial turnover ng firetruck na ating isinulong. Nag-abot rin tayo ng tulong sa mga mahihirap na residente doon.
Masaya ko ring ibinabalita na sa nakaraang araw ay pinasinayaan na ang itinayong Sablayan Super Health Center sa Occidental Mindoro, na sinaksihan ng aking tanggapan kasama si Mayor Bong Marquez. Nagkaroon rin ng groundbreaking ng itatayong Super Health Center sa Concepcion, Iloilo na sinaksihan ng aking tanggapan kasama si Mayor Mark Anthony Celestial.
Naghatid naman ng tulong ang aking Malasakit Team sa mga kababayan nating nahaharap sa iba’t ibang krisis. Naayudahan natin ang iilang mahihirap na residente ng Quezon City kasama si Councilor Mikey Belmonte.
Natulungan din ang 238 na residente ng Tumauini, Isabela na nawalan ng hanapbuhay katuwang sina Mayor Venus Bautista at former mayor Arnold Bautista. Maging ang 205 residente sa Cauayan, Isabela ay natulungan natin katuwang si Vice Gov. Bojie Dy. Ang mga benepisyaryo ay nabigyan din ng Department of Labor and Employment ng pansamantalang trabaho.
Mula noon hanggang ngayon, uunahin ko ang kapakanan ng mga kababayan nating mahihirap. Wala kaming ibang hangarin kundi magserbisyo at tumulong sa abot ng aming makakaya.
Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BISYO MAGSERBISYO ni Bong Go, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa bisyo.magserbisyoo@gmail.com.
Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran.
Commenti