ni Thea Janica Teh - @Bulgarific | November 19, 2020
Hello, Bulgarians! Sa ilalim ng pamamahala ni ASEAN BAC Philippines Chair Joey Concepcion, mula sa 53, 13 awards ang naiuwi ng Pilipinas sa 2020 ASEAN Business Awards at ito na ang pinakamalaking bilang na award na naiuwi ng isang bansa.
Matapos italaga bilang ASEAN Business Advisory Council noong 2017, sinigurado ni Concepcion na makakasama at hindi magpapatalo ang Pilipinas sa regional events at activities ng ABAC.
Sa 98 na ipinasa ng Pilipinas, 12 finalists ang nakaabot sa shortlist at kasama ng isang nominadong panalo sa ACCMSME, 13 ang panalo mula sa Pilipinas ang nakatanggap ng parangal sa ASEAN level.
“I am pleasantly surprised by the turnout indicating the strong interest of the business community to participate in the awards. ABA is an excellent platform to bring local companies up to a regional standard, increase their competitiveness, and strengthen cross-border collaboration,” bahagi ni Concepcion.
Ilan sa mga pinarangalan ay ang Potato Corner na pinangungunahan ni Jose Magsaysay, Jr. (SME Excellence-Growth Award); Motorline Trading, Inc. na pinangungunahan ni Gerald Tactay; 3D Container & Packaging Philippines Corporation na pinangungunahan ni Jaie Flores Ador at Titan Barong of Lumban na pinangungunahan ni Lumban John Titan na mga nag-uwi ng SME Excellence- Employment.
Samantala, pinarangalan din ang Stylist in Pocket Technologies, Inc. na pinangungunahan ni Sheree Roxas Chua-Gotuaco (SME Excellence- Innovation Award); Foodsphere, Inc. na pinangungunahan ni Jerome Ong (Family Business Award); Halo-Halo de Iloko na pinangungunahan ni Xavier Mercado (Inclusive Business, Knowledge Partner- ACCMSME) at marami pang iba.
Ngayong taon, naglunsad ang ABA judging panel ng bagong award category kung saan bibigyang-parangal ang mga negosyong nagbigay ng kontribusyon sa pagpugsa sa COVID-19. 3 kumpanya mula sa Pilipinas ang nakauwi ng parangal na ito kabilang ang Multisys Technologies Corporation na pinangungunahan ni David Almirol Jr., PayMaya Philippines na pinangungunahan ni Orlando Vea at Baguio-Benguet Community Credit Cooperative na pinangungunahan ni Oscar Adversalo.
Nagsimula ang taunang ASEAN Business Awards noong 2007 upang bigyang-parangal ang mga outstanding at successful ASEAN companies at entrepreneurs sa kontribusyon nito sa ekonomiya.
Comments