top of page
Search
BULGAR

Pilipinas, magandang ehemplo ng pagkakaisa — VP Duterte

ni Eli San Miguel - Trainee @News | February 3, 2024




Inilarawan ni Vice President Sara Duterte ang Pilipinas bilang "shining example" ng pagkakaisa sa kabila ng magkakaibang pananampalataya ngayong Sabado sa World Interfaith Harmony Week.


Nagtataguyod ang isang linggong pagdiriwang ng pagkakaisa at kapayapaan sa mga tagasunod ng iba't ibang relihiyon, na magaganap mula Pebrero 1 hanggang 7.


“The Philippines, a tapestry of diverse cultures, traditions, and religions, stands as a shining example of unity amidst differences. Like colors on an artist's palette, we blend together, harmonizing our faith, goodness, and humility to build a sanctuary of peace,” pahayag ni Duterte.


“Today, hand in hand, we walk alongside our Christian, Muslim, and other spiritual siblings, acknowledging our interconnectedness on this profound journey towards unity and serenity,” dagdag niya.


Ipinahayag ni Duterte ang pag-asa sa pamamagitan ng pagkakaisa at paggalang na magiging tulay sa mas maunawain na mundo.


“Together, let us embark on this universal path, where trust, respect, and love intertwine like ribbons in a grand dance,” aniya.


“With open hearts, we can craft a world that is kinder, more compassionate, and overflowing with acceptance, a world our children's children will embrace,” dagdag niya.


Unang iminungkahi ang World Interfaith Harmony Week sa United Nations (UN) General Assembly noong Setyembre 23, 2010 ni King Abdullah II ng Jordan. Inimplementa ito ng UN noong Oktubre 20, 2010.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page