top of page
Search
BULGAR

Pilipinas, lagpas 2-M international tourists na

ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | May 18, 2023


Lumagpas sa 2 milyong turista ang dumalaw sa Pilipinas ngayong taon. Ayon sa Department of Tourism (DOT), nakapagtala ang bansa ng 2,002,304 international visitor arrivals mula Enero 1 hanggang Mayo 12, 2023. Lagpas ang bilang na ito sa 1.7 milyong target noong 2022. Dagdag ng DOT, umabot sa P168.52 billion ang inbound visitor receipts mula Enero hanggang Abril 2023. Mas mataas ito nang 782.59% sa P19.1 billion na kita mula sa turismo sa parehong panahon noong 2022.


☻☻☻


Ikinatuwa natin ang mga datos na ito na nagsilbing indikasyon na muling umaarangkada ang turismo sa Pilipinas, na isa sa mga sektor na pinakanaapektuhan ng pandemya.


Ngunit hindi dapat tayo makampante, mayroon at mayroong dadalaw sa ating bansa dahil sa ganda ng Pilipinas at kultura nito. Kaya usapin ito ng paghikayat ng mas marami pang turista na bumisita sa bansa. Dahil sa iba't ibang balakid sa transportasyon, imprastruktura, at iba pa, hindi natin naaabot ang maximum potential ng ating turismo.


☻☻☻


Kailangan nating gawing immediate at long-term priority ang pag-aayos sa iba’t ibang isyu na ito kung nais nating humabol sa bilang ng turista ng ating mga karatig-bansa sa ASEAN.


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal. Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice!


 

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page