top of page

Piktyur, viral… PIOLO AT FIL-CHINESE MODEL, SUPER-SWEET SA YATE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 days ago
  • 2 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | Apr. 26, 2025



Photo: Kim Rivera at Piolo - Instagram, Circulated



Trending ang larawan ni Piolo Pascual sa socmed na may kasamang Filipino-Chinese model. Pumukaw ng atensiyon ang naturang larawan dahil tila sweet umano si Piolo sa modelo. 


Matatandaang laging nababanggit ni Papa P sa kanyang mga panayam na ilang taon na rin siyang single dahil tutok sa kanyang career.  


Muling napag-usapan ang aktor matapos kumalat online ang litrato niya kasama ang Filipino-Chinese model na nagngangalang Kim Rivera, kung saan ito mismo ang nag-post sa kanyang IG account last April 9 bilang bahagi ng carousel post mula sa kanyang bakasyon sa Baler.  


Sa isang larawan, makikitang nakayakap si Piolo kay Kim. Halos dumampi ang mga labi ng aktor sa kaliwang sentido ng modelo habang tila nagpapahinga sila sa isang yate. 

“Reliving these moments,” ang simpleng caption ni Rivera, na hindi nag-tag ng sinuman sa kanyang mga kasama.  


Sa comment section ng naturang post, tinanong si Rivera kung si Papa P nga ba ang kasama niya. Sumagot naman ang modelo na hindi ito si Piolo, kundi isang lalaki na kahawig lamang ng aktor.  


Gayunpaman, kapansin-pansin sa larawan ang tattoo sa kanang braso ng lalaki, na tila tugma sa tattoo ni Papa P na makikita rin sa isa sa kanyang mga recent running videos.  

Anyway, siguradong hindi dito matatapos ang isyu kay Papa P at sa modelong Filipino-Chinese.  


Tiyak na kukuyugin ng mga entertainment writers ang aktor sa isyung ito dahil marami ang gustong makakuha ng update tungkol sa love life ni Papa P.


 

After ng hiwalayan nila ni Kyline… 

KOBE, NAG-POST NG “PLEASE SHUT UP!”


HINDI pa rin pala tapos ang isyu between ex-couple Kyline Alcantara at Kobe Paras.  

Nagbahagi si Kobe sa kanyang Instagram (IG) Story ng picture niya habang nagpapahinga at nasisikatan ng araw at may background music itong Please Shut Up ng A$AP Mob.  


Maraming netizens ang nag-isip na ang musika ay may pinapatamaan o may kaugnayan sa kasalukuyang isyu nila ng dating girlfriend na si Kyline.  


Sa gitna ng mga posts na ito, nagbigay ng makahulugang pahayag ang ina ni Kobe na si Jackie Forster sa comment section.  


Aniya, “Please protect that peace we have been working so hard to achieve.”  


Walang tinukoy ang dating aktres kung para kanino ang mensahe.  

Ilang mga netizens ang nagbigay ng opinyon na maaaring ang pahayag ni Jackie ay paalala hindi lamang kay Kobe kundi sa mga taong sangkot sa mga isyu, na mas mainam ang tahimik na pag-usad kaysa sa pagbunyag ng mga alitan sa publiko.  


Samantala, pinuri rin ang tila matured na pagharap ni Kobe sa sitwasyon. Sa halip na magsalita nang diretsahan ay piniling gumamit ng simbolismo sa pamamagitan ng musika.  


Lalo pang pinag-usapan ang IG Story dahil sa timing nito — kasabay ng pagkalat ng ilang cryptic posts mula sa iba pang personalidad online. 


Para sa ilan, ang pagpili ni Kobe ng kantang Please Shut Up ay hindi simpleng soundtrack, kundi isang tahimik na pahayag ng pagtatanggol sa sarili mula sa mga umano’y maling interpretasyon o paninisi. 


Sa halip na magsalita, ginamit niya ang creative medium ng social media para maiparating ang saloobin. 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page