Piktyur nila ng GF, burado na sa IG… KYLINE, IN-UNFOLLOW NA RIN NI KOBE
- BULGAR
- 5 hours ago
- 3 min read
ni Nitz Miralles @Bida | Apr. 23, 2025
Photo: Kobe Paras at Kyline Alcantara - IG
Kasusulat pa lang namin na hindi pa ina-unfollow ni Kobe Paras si Kyline Alcantara sa Instagram (IG) kahit in-unfollow na siya nito, ayan at balitang in-unfollow na rin ni Kobe ang ex-GF.
Deleted na rin ang mga photos nila ni Kyline, at pati ‘yung pubmat nila for their Zalora endorsement, wala na sa IG ni Kobe.
Upon checking Kyline’s IG, may 4 videos pa sila ni Kobe for Zalora at photo nang mamigay sila ng food pack sa mga nabiktima ng bagyong Kristine.
Pero, sabi ng mga fans ng aktres, baka isang araw, deleted na rin ang videos nila ni Kobe for Zalora.
Pinag-uusapan din ng mga fans ni Kyline na huwag na nilang babanggitin sa kanilang mga comments si Kobe at kung mababanggit man, siguraduhing hindi negative para hindi bumalik sa aktres, para hindi rin ma-bash ng mga supporters ni Kobe.
Ang pakiusap ng mga fans sa kapwa fans, mag-focus sila sa pagsuporta kay Kyline lalo na’t may bago itong series kasama si Barbie Forteza. Para raw matulungan nilang makapag-move on si Kyline sa breakup nila ni Kobe.
Gayahin daw niya si Barbie na after her breakup with Jak Roberto, nag-focus sa self-love era at self-improvement at busy sa pagtakbo. Maganda raw kung magsasama silang dalawa sa mga charity run, sa paglalaro ng tennis at pilates.
Anyway, kasama sa cast ng Beauty Empire (BE) na pinagbibidahan nina Barbie at Kyline sina Ruffa Gutierrez, Sid Lucero, Chai Fonacier, Sam Concepcion at South Korean singer-actor na si Choi Bo Min.
Hindi pa lang nababanggit kung sino kina Kyline at Barbie ang makakapareha ni Choi Bo Min.
Kasalan na raw ang ending, Bea… SUE, IPINAKILALA NA SI DOMINIC SA PAMILYA NIYA
NA-MEET na rin pala ni Dominic Roque ang ilan sa mga relatives ng girlfriend niyang si Sue Ramirez na nataon sa 90th birthday ng tinawag nitong “Dada”.
Sa ipinost ni Sue na photos, nakasulat sa caption ang “Yesterday was my Dada’s 90th birthday in heaven.”
Hindi lang namin alam kung daddy ni Sue o lolo ang binati niya, ang importante, kasama niya si Dominic sa special family event na ‘yun.
Pero sa comment ng mga fans, mukhang ama ni Sue ang may birthday dahil may mga bumati ng “Happy birthday to your Daddy Peter.”
Maaalalang unang na-meet ni Sue ang parents ni Dominic at ito na nga ang sumunod. Ang biruan tuloy, susunod na nito ang marriage proposal at pagkatapos ay kasalan naman.
Nasa right age na raw ang dalawa, kaya puwede nang magpakasal at magkapamilya.
Anyway, masaya ang love life ni Sue at makikita ito sa glow ng kanyang mukha. Saka, kinikilig at ang ganda ng ngiti nito kapag natatanong tungkol kay Dominic, hindi maitago ang kasiyahan.
Hindi naman siguro seloso si Dominic at hindi pagseselosan ang kissing scene nina Sue at Diego Loyzaga sa pelikulang In Between (IB). Kasi sabi ni Diego, “on top” ang kissing scene nila, hindi nila alam na magagawa nila dahil nga passionate. First time rin daw nila pareho na gumawa ng ganu’ng klaseng kissing scene.
At least si Diego, single ngayon at walang girlfriend na magagalit sa kissing scene nila sa nasabing pelikula na showing na sa May 7, 2025 sa direction ni Gino Santos.
“Cool,” “Happy” at “No pressure,” ang description ni Sue Ramirez sa relasyon nila ni Dominic Roque na nagsimula lang nang makunan sila ng video na parang naghahalikan noong nasa Siargao silang dalawa.
Pa-tribute sa Superstar… MGA MOVIES NI NORA NA ‘DI PA NAIPAPALABAS, ISO-SHOWING NA
MAGANDANG balita sa mga Noranians ang sagot ni Director Adolf Alix, Jr. na “Inaayos pa” nang tanungin namin kung maipapalabas ba ang Kontrabida, isa sa last movies na ginawa ni Nora Aunor.
Positive ang pagkakasabi ni Direk Adolf, malamang ay matutuloy ito.
Ang request pa nga, ibalik din sa mga sinehan ang pelikula nina Nora at Bianca Umali na Mananambal para sa mga hindi nakapanood.
May moviegoers na gustong mapanood ang mga last movies ng Superstar at baka nga maganda kung pakikinggan ang request nila.
Nabanggit na rin ni Alfred Vargas na plano nilang ipalabas nang libre ang pelikulang Pieta na ginawa ni Nora kasama sina Alfred, Gina Alajar, Bembol Roco, at Jaclyn Jose.
Hindi naipalabas sa mga sinehan ang nasabing pelikula na kundi kami nagkakamali, last movie rin ni Jaclyn Jose.
Comments