ni Beth Gelena @Bulgary | Nov. 14, 2024
Photo: Bea Alonzo / IG / Circulated
Nagsalita na si Bea Alonzo matapos mag-viral ang picture niya kasama ang isang lalaki sa social media.
Direktang sinabi ng Kapuso actress na ‘just a friend’ lang umano ang guy na nagngangalang Joset Fores.
Ang nasabing viral photo ni Bea with a guy ay kuha pa last October na si Bea pa umano ang kumuha ng larawan.
Napag-ukulan lang ng tsismis nang mag-viral ang kissing video naman ng kanyang ex-boyfriend na si Dominic Roque at ng aktres na si Sue Ramirez na kuha sa Siargao.
Ang dami tuloy nagtatanong kung ano ang relasyon ni Bea sa guy.
Sa Instagram (IG) ng aktres, kinlaro niya kung ano ang connection niya sa non-showbiz guy.
Aniya, “Okay, this is getting out of hand. Can we all relax? WE ARE JUST FRIENDS. And the stories are getting ridiculous! Kalma lang po tayo.”
Ayan po ang clarification ni Bea Alonzo sa sinasabi nilang rumored boyfriend ng aktres.
Binati ni Joross Gamboa si Sandara Park sa 40th birthday nito.
May post ang actor ng throwback photos nila noong sila ay magkakasama sa Star Circle Quest (SCQ) 2004.
Naging bahagi si Sandara ng sikat na K-pop girl group na 2NE1 noong 2009 matapos magsimula ang kanyang showbiz career sa ‘Pinas.
Ani Joross, “Happy 20th (40) birthday to our BFF Sister na ‘di tumatanda at ‘di tumataba!”
Biro pa niya, tila hindi tumatanda ang Korean star na kilala rin bilang “Pambansang Krung-Krung.”
May kalakip din na isang throwback photo ni Sandara, na ayon sa kanya ay paborito niya.
Dagdag pa niya, “We are always here for you! Kitakits this weekend, God bless!”
Tinanong pa ng aktor ang kanyang mga followers kung alin sa mga larawang ibinahagi ang paborito nila mula sa kanyang post.
Nagsimula ang pagkakaibigan nina Joross at Sandara nang magkasama sila sa reality show na SCQ noong 2004 kung saan doon na rin nagsimula ang showbiz career ni Sandara sa Pilipinas.
Nang bumalik siya sa kanyang bansa, ang South Korea ay sumali siya sa K-pop girl group na 2NE1 na sumikat sa buong mundo noong 2009.
Maraming netizens at kapwa celebrities ang nagpaabot ng pagbati kay Sandara, pinupuri ang kanyang youthful appearance at positibong pananaw sa buhay.
Samantala, nagpapasalamat naman sa mga bumati ang actress/singer at inaasahang magkikita silang muli ni Joross Gamboa sa nalalapit nilang weekend celebration.
Commenti