top of page
Search
BULGAR

Piktyur nila, ipinost sa IG… JANELLA, THAI ACTOR ANG BAGO

ni Beth Gelena @Bulgary Files | July 21, 2023



Ipinost ni Janella Salvador sa kanyang Instagram ang larawan nila ng sikat na Thai actor na si Win Metwain sa Hong Kong. Magkasama ang dalawa sa isang pelikula na may titulong Under Parallel Skies.


Kaya’t ang inilagay na caption ng aktres sa naturang IG post: “Yup, you heard it right. Now filming. Hi @winmetawin #UnderParallelSkies.”


Matatandaang si Win ang isa sa mga bumida sa remake ng hit Taiwanese series na F4 Thailand: Boys Over Flowers noong 2021.


Tuloy na tuloy na nga ang tambalan ng dalawa sa pelikula. In fact, recently lang ay may announcement video na sina Janella at Win na inilabas ng Squared Studios, ang production company na pagmamay-ari ng TV host-actor na si Richard Juan.


“We are excited to announce to you guys that we will be teaming up for the upcoming movie Under Parallel Skies," sabi ni Win sa video.


Dagdag naman ni Janella, “To be directed by Sigrid Bernardo. We are very excited to share this with you soon."


Sa huli, magkasabay na sinabi nina Janella at Win ang mga katagang "Abangan" at "Coming soon" sa wikang Tagalog at Thai.


Noong June 2023 pa kumalat ang bali-balitang posibleng magsama sa isang proyekto sina Janella at Win. Ito ay matapos i-upload ng Thai actor sa kanyang Instagram ang picture nila ng Kapamilya actress habang nagsasagawa ng boot ceremony sa Hong Kong.


Ang “boot ceremony” ay isang prayer ceremony na kadalasang ginagawa bago magsimulang mag-shoot ng isang pelikula o serye.


Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, ang Under Parallel Skies ay tungkol sa isang lalaking may mapait na nakaraan. Sa pagpupursige niyang makalimot, malalaman nito na ang babaeng kasalukuyan niyang minamahal ay konektado sa kanyang nakalipas.


Nagsimula na ang shooting nina Janella at Win para sa pelikula sa Hong Kong.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page