top of page
Search

PIKTYUR NI MOIRA NA MAY KAYAKAP NA LALAKI SA CANADA, KALAT NA

BULGAR

ni Beth Gelena @Bulgary Files | April 14, 2023




Usap-usapan ang larawang ipinost ni Moira Dela Torre kung saan may kasama siyang guy na naka-hug sa kanya.


Ang nasabing mga larawan ay kuha sa Canada, including a snapshot where she is seen embracing a man with their backs facing the camera.


"So far my favorite snow day," ang caption na isinulat ni Moira.


Ang daming netizens ang nag-react na karamihan ay nagtatanong kung sino ang mystery man na kasama niya.


Agad namang sumagot ang singer sa kanyang IG account.


"Kumalma po kayo. Manager ko po 'yan, pareho po kami ng type," sey ni Moira.


Hanggang ngayon daw ay single pa rin siya mula nang naghiwalay sila ng asawang si Jason Marvin Hernandez.


Sa darating na Mayo ay mag-iisang taon nang hiwalay ang dating mag-asawa.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page