ni Nitz Miralles @Bida | July 10, 2023
![](https://static.wixstatic.com/media/bd1fd9_b7a4f1add6f04a9cb93a5b8d5b5af585~mv2.jpg/v1/fill/w_656,h_393,al_c,q_80,enc_auto/bd1fd9_b7a4f1add6f04a9cb93a5b8d5b5af585~mv2.jpg)
Magtatambal sa isang episode ng Magpakailanman sina Alden Richards at Sanya Lopez and in fact, nag-taping na ang dalawa para sa kanilang pagbibidahang special episode.
Sa nasilip naming mga behind the scenes photos, may eksenang nagyayakapan ang dalawa.
Masaya sa pagtatambal nina Alden at Sanya ang kanilang mga fans na noon pa nagre-request na pagsamahin sila bilang mga bida, kahit sa mga guestings, at nangyari na nga.
Malay natin at sa susunod na teleserye ni Alden, si Sanya na ang kanyang leading lady.
“Soon” daw ang airing ng episode ng MPK nina Alden at Sanya.
Baka sumabay pa ito sa pilot airing ng bagong talent search ng GMA-7 na Battle of the Judges, kung saan si Alden nga ang main host.
Sa pagiging host ng BOTJ, nabanggit ni Alden na ang trabaho niya ay magtahi ng lahat ng aspeto ng show, mula sa mga contestants, to the judges, up to the reality part of the show. Siya na raw ang bahala sa mga ito.
Bukod doon, pinapaabangan din niya ang mga magaganap na drama sa pagitan ng mga judges, pati na rin sa mga contestants.
“Siyempre, since GMA ang magpa-pilot ng first ever Battle of the Judges in Asia, hindi tayo puwedeng half-baked, we always give our best. Dapat lagi tayong handa, kailangang we always give our best,” sabi ni Alden.
Comments