ni Beth Gelena - @Bulgary Files | November 5, 2021
Totoo ngang ang laki na ng ipinayat ni Megastar Sharon Cuneta.
Imagine, ang size niya dati na kanyang isinusuot ay XXL, pero ngayon, down to medium size na siya.
Very proud na ipinost ni Sharon ang larawan kasama ang celebrity doctor na si Aivee Teo kung saan ibinuking nito kung ano na ang size ngayon ng mga damit ni Megastar.
“Look who’s here! Aivee Day with my now-so-sexy & skinny friend. Look at her! From XXL to MEDIUM,” caption ni Doctora Aivee sa picture nila ni Shawie.
“It makes our hearts jump with joy to see how thin, healthy, young and energetic she is now after losing all those weight and inches.
“This story is a story of determination, patience and trust between doctor and patient, friend to friend," ang mahaba pang sabi ng celebrity doctor.
Ang suwerte naman ni Rowell Santiago. Siya agad ang makakapareha ni Sharon ngayong slim na ang dating ka-love team ng aktor.
Sa pagpasok daw kasi ni Megastar sa Ang Probinsyano ay ipapareha siya kay Rowell, ang gumaganap na Presidente Oscar Hidalgo.
Tiyak na inaabangan na ng mga avid viewers ang pagpasok ni Shawie sa serye ni Coco Martin.
Kommentare