top of page

Piercing gone wrong? Mga dapat gawin matapos magpabutas ng tainga

  • BULGAR
  • Jan 30, 2022
  • 2 min read

ni Mharose Almirañez | January 22, 2022





“Astig” ang bagong termino ng mga millennial ngayong 2022. Nakaka-astig nga namang tingnan kapag marami kang piercing. ‘Yung tipong magmula sa tainga, ilong, dila hanggang sa tiyan, hangga’t puwedeng butasan, binubutasan.


Ayon sa ‘king mga napanood, nabasa at naranasan, it’s a no-no, raw magpa-piercing kung baril ang gagamitin na pambutas, lalo na kung sa bandang tainga dahil masyado raw shocking ang impact na idinudulot nito. Sa halip ay inaabiso ng karamihan ang manual type of piercing.


Advisable rin sa mga first timer na gumamit ng surgical stainless steel earrings para maiwasan ang allergic reaction, saka ka na magpalit ng trip mong hikaw kapag magaling na ang iyung piercing.


Pero knows mo ba kung paano pabibilisin ang paghilom ng sugat para tuluyan kang matawag na astig? Narito ang ilang dapat gawin matapos magpa-piercing:


1. Dalasan ang pagpapalit ng bed sheet, punda at kumot, lalo na kung sa tainga ka nagpabutas. Siyempre, sariwa pa ang sugat kaya hindi ‘yan dapat ma-expose sa anumang mikrobyo. Gayunman, hindi porke nagpabutas ka, saka mo lang dadalasan ang pagpapalit ng mga ‘yan. Tandaan na dapat nating i-normalize ang pagiging malinis, because personal hygiene is a must.


2. Huwag paikot-ikutin o hawak-hawakan ang hikaw. Siyempre, kung saan-saan natin inihahawak ang mga kamay natin kaya maaari nitong ma-infect ang sugat, lalo na kung may nahawakan tayong marumi, tapos ihahawak pa natin dito.


3. Linisin ang sugat sa pamamagitan nang warm water with salt. Puwede mong isawsaw ang bulak o cotton buds sa maligamgam na tubig, saka mo ipahid o idampi sa ‘yong sugat, dalawang beses kada-araw.


4. From time to time, puwede mo ring spray-an ng alcohol ang iyong piercing, lalo na kung nangangati ito.


5. Iwasang kamutin o tuklapin ang mga natutuyong sugat upang hindi ma-irritate ang piercing na maaaring makapagdulot ng nana.


6. Limitahan ang pagtatanggal-balik ng hikaw at ‘wag na ‘wag itong tatanggalin nang matagal dahil siguradong magsasarado ang butas. For sure, ayaw mo namang mauwi sa piercing gone wrong, ‘di ba?


Sa loob lamang nang dalawang linggo ay gumaling na ang aking piercing, kaya masasabi kong puwede na ‘ko tawaging astig. Take note, baril ang ginamit sa ‘kin.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page