top of page
Search

Pia, pahinga muna… HEART, SUNUD-SUNOD ANG PAGRAMPA SA MGA FASHION SHOWS ABROAD

BULGAR

ni Nitz Miralles @Bida | Jan. 28, 2025





Rumampa na nga sa Paris Fashion Week (PFW) si Heart Evangelista at sunud-sunod na naman ang fashion shows niya. 


Sa post nito, una siyang um-attend sa Hermes fashion show at may post na rin siya ng fashion show ng Sacai.


Ang gandang magbasa ng comment sa Instagram (IG) ni Heart dahil puro positive ang mababasa — walang nagagalit, nag-aaway, nagkukumpara — at inaabangan lang ang mga susunod na ganap ni Heart.


Nami-miss man ng mga fans ni Pia Wurtzbach na hindi siya um-attend sa PFW, at least, walang nag-aaway at naha-high blood. The moment na magkasabay na um-attend ng fashion week ang dalawa, siguradong may away na naman ang kani-kanyang supporters nila.


 

Kahit matagal nang hiwalay at may kani-kanya nang love life, may mga kinilig pa rin sa short convo ng ex-couple na sina Ruffa Gutierrez at Yilmaz Bektas. 


Nag-post sa Instagram (IG) si Ruffa ng solo picture niya at comment ni Yilmaz, “Elegant.”

Sumagot si Ruffa ng “@yilmazbktas cok merci! Btw (by the way), pls (please) call Venice.” 

Agad na sumagot si Yilmaz ng “@iloveruffag Okay, boss. I will.” 


In-acknowledge ni Ruffa ang sagot ni Yilmaz ng laughing emoji.


Dumagsa ang mga nag-comment at sinabing kinilig sila sa ex-couple. May nagtanong pa nga kung bakit siya kinikilig na sinang-ayunan ng marami. 


May nag-comment din ng “Can’t get over these two... I wish to see them together again,” at “Nakakakilig. Sana, kayo na lang ulit.”


May mga nag-comment pa na bigla siyang nag-follow sa IG ni Yilmaz dahil dito. Sunod ang wish na sana, may part 2 sina Ruffa Gutierrez at Yilmaz Bektas na kapag nangyari, marami ang matutuwa.


 

HINDI lang meet his family ang ipinunta nina Kyline Alcantara at Kobe Paras sa Los Angeles, California. Ipina-experience rin ni Kobe sa girlfriend ang feeling ng panonood ng NBA game. Nanood sila sa laro ng Lakers dahil idol ni Kobe si Lebron James. Kaya naman, tuwang-tuwa si Kyline.

Sa

nstagram (IG), nag-post si Kyline ng basketball game ng Lakers kalaban ang Boston Celtics at may mga nainggit na mga fans ng dalawang koponan dahil napanood ni Kyline ang actual game sa NBA. Sila nga naman, hanggang television lang.


Inaabangan ang mga susunod pang post nina Kyline at Kobe, lalo na ‘yung moment na makikilala na ng aktres ang ibang family members ni Kobe. Hoping ang KyBe (Kobe at Kyline) fans na kasama sa pamilya ni Kobe na mami-meet ni Kyline ang mom nitong si Jackie Forster at ang mga siblings nito.

Komentar


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page