ni Imee Marcos @Imeesolusyon | Pebrero 2, 2024
Nakakaimbiyerna ang pagpupumilit na isulong ang Charter change, lalo na’t may alingasngas pa na may pera kapalit ang pirma na itinutulak ng People’s Initiative.
Kamakailan nga lang buking sa ating Senate hearing na may suhulan talagang nagaganap.
And take note, nasukol natin na ang lider nga ng Kamara ang nag-welcome pa at ipinagamit ang house nila sa meeting ng PI. Grabe ‘di bah!
Panay tanggi si House Speaker Martin Romualdez, pero may ebidensya naman. HAY NAKU!
Gisang-gisa ang mga resource person natin ha at meron din tayong mga testigo na mayroon talagang bayaran kapalit ang pirma. O ano, deny pa more??!!
Well sa ganang akin, wala namang problema ang Cha-cha lalo na kung economic provision ang babaguhin.
Pero IMEEsolusyon sa umiinit na usaping ‘yan, na plis naman no, isantabi na muna ‘yan!
Abah eh, napakarami nating dapat unahin. Una, problema sa presyo ng bilihin, trabaho at iba pa.
IMEEsolusyon rin sa pagsuspinde ng Comelec sa pagtanggap ng mga pirmang ‘yan na totally junk at ibasura na muna.
Inuulit ko, hindi napapanahon ang pagsayaw ng PI sa Cha-cha.
Saka, IMEEsolusyon na tigilan na ang pagsuporta ng ating solons sa pangunguna ni Speaker Romualdez.
Puwede ba, hindi pa tayo nakakaahon sa hirap na dulot ng pandemya.
Anumang interes o agenda ng nagtutulak n’yan, ibasura na muna, alang-alang sa mga naghihikahos nating mga kababayan! Agree?!
Comments