ni Lolet Abania | September 9, 2021
Inianunsiyo ng Professional Regulation Commission (PRC) ngayong Huwebes ang kanselasyon ng Physicians Licensure Examination (PLE) na nakatakda ng Setyembre sa National Capital Region (NCR).
Sa isang Facebook post, ayon sa PRC ang PLE na nakaiskedyul ng Setyembre 11, 12, 18, at 19 sa NCR ay kanselado.
“Affected examinees in NCR may take the next succeeding examination without forfeiture of their examination fees,” pahayag ng PRC.
Gayunman, ang mga exams na nakatakda ng Setyembre 11, 12, 18, at 19 sa Baguio, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Legaspi, Lucena, Tacloban, Tuguegarao, at Zamboanga ay magpapatuloy sa iskedyul.
“The PRC requests the public’s utmost understanding and cooperation as it complies with the guidelines set forth by Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases,” ayon sa PRC.
Nananatili pa rin ang NCR sa modified enhanced community quarantine (MECQ) hanggang Setyembre 15, 2021.
Comments