ni Fely Ng - @Bulgarific | September 20, 2022
Hello, Bulgarians! Bilang pangunahing ahensya ng koreo sa bansa, ang Philippine Postal Corporation (PHLPost) ay nakipagtulungan sa UBX Philippines, ang nangungunang open finance platform sa bansa, sa pamamagitan ng digital transformation at modernization program nito, upang tulungan ang postal service na makamit ang layunin nito, hindi lamang sa postal na pangangailangan ng mga Pilipino, ngunit upang i-maximize rin ang kakayahan nito para matiyak na walang maiiwan sa kanilang paglipat sa digital age.
Ang PHLPost ay digital na magbabago sa 13 post office nito sa Tuguegarao City; Lalawigan ng Sorsogon; Iloilo City; Zamboanga City; Lungsod ng Maynila; Taguig City; Makati City; Quezon City; San Francisco, Cebu; Davao City; Ilocos Norte; Tacloban, Leyte; at Marawi City, sa ilalim ng Project Kasama Lahat, isasaayos ang mga opisina upang maging modern hub na nag-aalok ng mga pinansyal at data services sa kanilang lokalidad na inaasahang matatapos sa loob ng tatlong buwan.
"The Post Office has introduced the "Kasama Lahat" project that aims to digitally transform post offices into financial hubs to promote financial and social inclusion. "PHLPost will transform their post office branches in the country into financial services hubs to promote financial and social inclusion, especially in far-flung areas. UBX and PHLPost are now identifying each office's specific needs and will tailor the solutions to be deployed based on their requirements", sabi ni Postmaster General Norman Fulgencio.
Sa ilalim ng partnership, ibibigay ng UBX ang mga kinakailangang teknolohiya sa digital at open finance para mapabilis ang digital transformation journey ng PHLPost sa 4,000 outlet at 3,500 kartero sa buong bansa, upang magbigay sa mga customer ng mga kinakailangang serbisyong pinansyal, tulad ng mga disbursement, fund transfers, cash withdrawals, loan applications, payments, insurance, at collections at iba pa. Layunin ding i-convert ang bawat outpost sa buong bansa sa isang one stop shop para sa malalayong lugar.
"As firm believers of inclusivity, it is highly important for us to identify which areas have the strongest demand for the services which Kasama Lahat has to offer. We responded to the particular needs of each of these high impact areas to ensure that the project achieves its goal of fostering financial and social inclusion for all," pahayag ni UBX President and CEO John Januszczak.
Babaguhin ng proyekto ang PHLPost sa pamamagitan ng paglikha at pagbabago ng mga produkto at serbisyo upang matugunan ang kanilang mga kailangan, paglipat ng ahensya sa isang napapanatiling kultura ng negosyo, pagrepaso at pagmumungkahi ng mga pagbabago sa charter ng ahensya o Republic Act No. 7354.
Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.
תגובות