ni Clyde Mariano @Sports | August 26, 2023
![](https://static.wixstatic.com/media/bd1fd9_c87cbaec3ac7448ba08a9f58b6105245~mv2.jpg/v1/fill/w_656,h_393,al_c,q_80,enc_auto/bd1fd9_c87cbaec3ac7448ba08a9f58b6105245~mv2.jpg)
Nakapagtala na ng bagong attendance record ang Philippine Arena sa FIBA World Cup na 43,000 ang tiket na naibenta kumpara sa 32,616 na unang record ng FIBA habang 3,000 na lamang ang nalalabi sa box office habang isinusulat ito kahapon. Habang sa Indonesia ay na-sold out ang tiket at may 14,000 tiket ang nabenta sa Canada-France match sa Okinawa.
Sa halos 4,000 inaasahan na media, officials, staff, VIPs at teams, pakay pa ang bilang ng audience na 50,000 sa Phil Arena.
Samantala, may 55 NBA players ang nakalista na maglalaro sa 2023 FIBA Basketball World Cup simula August 25 at tatagal hanggang Setyembre 10 na lalaruin sa Philippine Arena, Smart Araneta Coliseum at Mall of Asia Arena.
Nahigitan ang 54 NBA players na galing sa 17 mga bansa na naglaro sa 2019 edition at 45 players na naglaro noong 2014 edition sa Spain. May 14 mga bansa ang pinaghati sa tatlong grupo na naglaro noong 1978 na ginawa sa Pinas napanalunan ng Yugoslavia
Hindi pinapayagan ang NBA players na maglaro sa FIBA World Cup na kilala rin sa pangalang FIBA World Basketball Championship. Noong 1989, nagkaroon ng agreement ang FIBA at NBA na pinapayagan sila na maglaro sa FIBA World Cup. Ang unang NBA players na naglaro noong 1992 Summer Olympic “Dream Team” powered by the Big Three Michael Jordan, Earvin “Magic” Johnson at Larry Bird kung saan nanalo ang US ng ginto.
Ang US ang may pinakamaraming NBA players na 12 na sinundan ng Canada ng pito, Germany apat at France at Serbia na tigatlo. Ang NBA veterans naglalaro sa US ay sina Anthony Tyrese Haliburton, Brandon Ingram, Jaren Jackson, Lauri Markkhanen, Austin Reavis, Bobbi Portes, Anthony Edwards, Josh Hart, Jaren Brunson, Paolo Banchero, Walker Kessler, Mikal Briges, at Cameron Johnson.
Comments