ni Jasmin Joy Evangelista | March 17, 2022
Nilinaw ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na walang banta ng tsunami sa Pilipinas matapos ang magnitude 7.3 na lindol na tumama sa Japan nitong Miyerkules ng gabi.
Sa isang advisory, sinabi ng PHIVOLCS na posible ang hazardous tsunami waves sa baybayin ng epicenter ng lindol.
“Hazardous tsunami waves are possible for coasts located within 300 km of the earthquake epicenter. This is for information purposes only and there is no tsunami threat to the Philippines from this earthquake,” pahayag ng ahensiya.
Base sa datos ng PHIVOLCS, tumama ang lindol 37.7°N,141.7°E malapit sa east coast ng Honshu, Japan bandang 10:36 p.m. May lalim itong 34 kilometers.
Ayon pa sa PHIVOLCS, walang kinakailangang aksiyon matapos ang malakas na paglindol.
Comments