top of page
Search
BULGAR

Phivolcs nakapagtala ng phreatomagmatic burst sa Taal main crater ngayong umaga

ni Jasmin Joy Evangelista | March 31, 2022



Nakapagtala ng phreatomagmatic burst sa main crater ng Taal Volcano ngayong Huwebes ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).


Naitala ang aktibidad bandang 10:39 a.m., ayon sa Phivolcs, na nag-post ng video ng sandalling pagsabog ng bulkan sa Facebook page nito.


Ang Phreatomagmatic activity ay nagaganap kapag ang magma mula sa ilalim ng earth’s surface ay nag-interact sa tubig.

Nananatili sa Alert Level 3 o “magmatic unrest” ang Bulkang Taal.


“This means that there is a magmatic intrusion at the Main Crater that may further drive succeeding eruptions,” ayon sa advisory ng Phivolcs ngayong araw.


Mahigpit na itinagubilin ng Phivolcs ang paglikas ng mga residente sa Taal Volcano Island at sa mga high-risk barangays ng Bilibinwang at Banyaga, Agoncillo at Boso-boso, Gulod at eastern Bugaan East, sa Laurel, Batangas.


“The public is reminded that the entire Taal Volcano Island is a Permanent Danger Zone (PDZ), and entry into the island as well as high-risk barangays of Agoncillo and Laurel must be prohibited,” ayon pa sa pahayag.

0 comments

תגובות


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page