ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Feb. 13, 2025
Photo: Philmar Alipayo - IG
Dahil sa kanyang pagiging champion surfer sa Siargao, maraming turistang babae ang humahanga kay Philmar Alipayo.
Kahit na sabihin pang hindi naman siya kasingguwapo nina Richard Gomez at Gerald Anderson, still, ang lakas ng karisma niya sa mga chicks.
Madalas daw, kapag nakikita si Philmar ng mga babaeng turista sa Siargao ay niyayakap at hinahalikan siya kahit nasa public place. Feeling heartthrob ang dating ni Philmar dahil type na type siya ng mga foreigners.
Si Andi Eigenmann mismo ang nagbuking kay Philmar nang sabay silang mag-guest noon sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA). Ito ang una nilang guesting sa show ni Abunda at wala pa silang isyu sa hiwalayan that time.
Hindi raw nakakaramdam ng selos noon si Andi kahit nakikitang niyayakap at hinahalikan ang karelasyong si Philmar. Natural na raw kasi na laging pinagkakaguluhan ng mga chicks ang surfer na parang isang celebrity.
Pero, iba ang friendship nina Philmar at Pernilla Sjöö na may couple tattoo pa, at ‘yun ang hindi nakayanan ni Andi na palampasin.
Ngayon ay back in each other’s arms na sina Andi at Philmar, na nabigyan ng advice ng lolo’t lola ni Andi na sina Eddie Mesa at Rosemarie Gil.
Ang aabangan ngayon ng mga netizens ay kung mapaninindigan ni Philmar Alipayo ang pagbabago alang-alang kay Andi at sa kanilang mga anak.
MARAMI ang nakakapansin na malaki ang pagbabago ni Herlene Budol a.k.a. Hipon Girl sa aspetong pisikal. Napaka-obvious daw ng kanyang mga ipinagawang enhancements sa kanyang ilong, labi at boobs.
Halata rin daw na nagpa-botox ito, kaya ibang-iba na ang hitsura niya ngayon. Mas lumitaw ang kanyang ganda at kaseksihan.
Kung tutuusin, hindi big deal ang pagpaparetoke ni Herlene Budol dahil nagbibida na siya ngayon sa mga serye ng GMA-7.
Una siyang nagbida sa Magandang Dilag (MD) at marami rin siyang TV guestings.
Ngayon, may bago na naman siyang afternoon soap, ang Binibining Marikit (BM) kung saan dalawa ang kanyang leading men.
Dahil sa bago niyang serye sa Kapuso Network, nagpahinga muna si Herlene Budol sa pagsali sa beauty pageants. Prayoridad niya ngayon ang kanyang career.
So far, wala pa siyang inaamin tungkol sa kanyang love life. At hindi na rin siya nabu-bully ngayon. Sinikap niyang maging professional sa kanyang trabaho at pinakikisamahan ang lahat ng kanyang co-stars sa BM.
Nagpapasalamat si Herlene sa GMA Network dahil wholesome ang mga projects na ibinibigay sa kanya, hindi siya ibini-build-up na sexy star.
Madalas ay api-apihan ang kanyang role sa serye, kaya nakiusap si Herlene Budol na wala siyang kissing scenes sa kanyang mga leading man.
NANG mag-guest si Ashley Ortega sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA), inamin na rin niya na may relasyon sila ni Mavy Legaspi.
Three years ang tanda ni Ashley kay Mavy, pero mature nang mag-isip ang aktor.
Na-meet na raw ni Ashley ang parents ni Mavy na sina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi, pati ang kakambal nitong si Cassy. Mababait daw ang mga ito, kaya palagay ang kanyang loob.
Well, it seems nakatagpo na nga ng bagong pag-ibig si Mavy pagkatapos ng breakup nila ni Kyline Alcantara.
Ayon sa ilang netizens, mukhang magkakasundo sina Ashley at Mavy kahit magkaiba sila ng ugali dahil pareho sila ng interes at hindi nagsasapawan sa exposure. Tahimik lang si Mavy, samantalang si Ashley ay outgoing, jolly, at super cool.
Wish ng mga fans ni Mavy na maging good influence si Ashley sa aktor.
Isa pa, mukhang hindi rin magkakaproblema si Ashley sa pakikitungo sa pamilya ni
Mavy, kaya mukhang magtatagal ang kanilang relasyon.
PORMAL nang naghalal ng mga bagong opisyal ang organisasyon ng KAPPT (Kapisanan ng mga Artistang Pilipino sa Pelikula at Telebisyon).
Nahalal bilang pangulo si Hero Bautista. Si Rhene Imperial ang internal vice-president at si Rey PJ Abellana naman ang external VP.
Si Jimmy Tiu ang itinalagang secretary, at si Lyn Madrigal naman ang treasurer.
Kabilang sa mga bagong Board Members sina Archie Adamos, Jethro Ramirez, Jerry Roman, at Josie Tagle.
Maraming nakalinyang projects ang KAPPT sa taong 2025, kaya inaasahan ang kooperasyon ng mga miyembro.
Malaking challenge ito sa mga bagong opisyal, lalo na sa pangunguna ng pangulo na si Hero Bautista. Ngunit sisikapin nilang muling maging aktibo ang KAPPT.
Opmerkingen