ni Beth Gelena @Bulgary | Mar. 16, 2025
Photo: Philmar Alipayo - IG
Tuluyan nang nawala ang ‘224’ tattoo ni Philmar Alipayo sa kanyang lower right biceps kung saan tinakpan ito ng bagong design.
Sa recent Instagram Story ni Philmar, ipinakita ng champion surfer ang bagong design na kanyang ipinapa-tattoo, covering the area where the ‘224’ tattoo was once prominently displayed.
Mukhang bumabawi si Philmar sa kanyang fiancée na si Andi Eigenmann kaya pinatakpan na niya ang naturang tattoo na matatandaang naging controversial at muntik pang maging dahilan ng kanilang hiwalayan dahil pinagselosan ng aktres ang parehong tattoo nila ng best friend niyang si Pernilla Sjöö's.
Ayaw patalbog sa co-host…
ANNE, INAAWAY NI VICE ‘PAG TODO-RAMPA NG OOTD
MAY post si Meme Vice Ganda sa kanyang Instagram (IG) account kung saan rumarampa na tila nagmo-model ang TV host-actor-comedian.
Aniya sa caption: “That thing called GANDAra!”
Nangunguna si Anne Curtis sa mga nagkomento sa viral OOTD (outfit of the day) video ni Meme Vice.
Sey niya, “‘Yan, ganyan dapat. Para ‘di mo na ako puwede awayin or asarin ‘pag rumampa ako d’yan. It’s a tie na tayo!”
Feel na feel ni Vice ang pagpe-flex ng kanyang casual striking look. Ibinida pa niya na ang suot niyang denim pants ay mula sa luxury brand na Mugler.
Komento naman ng isang commenter, “Sabay na po kayo mag-video sa susunod.”
IN a recent vlog of the Diamond Star Maricel Soriano, ibinulgar ni Judy Ann Santos ang beauty secret ng kanyang kaibigan at Mara Clara co-star na si Gladys Reyes.
Kuwento ni Judy Ann, “Si Gladys, nag-shooting kami, nag-taping kami ng Mara Clara sa beach. Ang tagal sa banyo, si Gladys! Ang tagal! Kinakatok ko na s'ya. Sabi ko, 'Matagal ka pa ba? Malapit na 'yung call time,’ ganyan-ganyan.
“Pagpasok ko ng banyo, tapos na s'ya, ang daming kalamansi! Kinukuskos n’ya pala sa siko, sa tuhod, sa kilikili, sa leeg. Ganoon pala ‘yun... Kaya pantay na pantay (kulay ng balat).”
Well, noon pa man ay nasabi na ni Gladys na para mapanatili ang flawless niyang kutis, ipinapahid niya ang calamansi sa kanyang lower body araw-araw bago maligo.
Ayon sa kanya, 5 piraso lang ng calamansi ang inilalagay niya para hindi matuyo ang kanyang balat.
Turo pa ng aktres, “Dapat i-apply ito sa mga siko, leeg, tuhod, at mga parte ng katawan na mabilis mag-sweat (pawisan).”
Wow, ‘yun lang pala ang secret!
Comments