ni Ador V. Saluta @Adore Me! | Mar. 13, 2025
Marami ang nasorpresa sa pagkakaaresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte nitong March 11, 2025 ilang oras lamang pagkauwi nito mula sa isang bakasyon abroad.
Siya’y inaresto ng mga pulis sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at pansamantalang ikinulong habang naghihintay ng kaukulang proseso.
Si Duterte ay iniimbestigahan ng International Criminal Court (ICC) dahil sa Extrajudicial Killings (EJK) habang siya ang nakaupo bilang pangulo ng Pilipinas mula Hunyo 2016 hanggang Hunyo 22, 2022.
Tinawag na EJK ang mga pagpatay sa mga taong may involvement umano sa drug trade na basta na lang dinukot sa mismong bahay at pinatay kinalaunan nang walang due process.
Ayon sa pna.gov.ph nu’ng March 30, 2022, ang EJK figures ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ay: “6,229 ang namatay sa isinagawang 226,662 anti-drug operations simula noong July 2016 hanggang January 31, 2022.”
Ayon naman sa CHR (Commission on Human Rights) report ng November 2, 2021, ire-review nito ang info na “5,655 cases of anti-drug operations where deaths occurred including those being handled by the Administrative Order No. 35 Inter-agency Committee on Extra-Legal Series, Enforced Disappearances, Torture, and Other Grave Violations to Life, Liberty and Security of Persons.”
Kung may ilang mamamayan ang nagmartsa at ipinagdiwang ang pagkakaaresto sa dating pangulo, marami rin ang nalungkot at ilan dito ay mga kaalyado sa PDP-Laban ni Duterte gaya ni Phillip Salvador.
Ipinakita sa TV Patrol (TVP) ang mga eksena sa NAIA at isa sa mga nahagip ng kamera ay si Phillip habang umiiyak sa pagkakaaresto kay Digong.
Nasa labas lamang si Ipe at ang mga kapwa niya Duterte supporters dahil hindi sila pinapasok sa loob ng headquarters ng Philippine Air Force (PAF).
Sa panayam ng Cabinet Files kay Ipe, hindi niya maitago ang lungkot sa pagkakaaresto sa dating pangulo.
“Sobrang pagod ang utak at katawan. I am so drained,” sabi ni Ipe.
Nagbigay din ng saloobin ang aktor sa nangyari sa pamamagitan ng Facebook
Messenger, tungkol sa naging kapalaran ni Duterte.
Sinabi ni Ipe na pinulitika umano sila ng mga Marcos:
“Walang jurisdiction ang ICC sa bansa natin. Pulitika talaga ito.
“What a time to do this mockery two months before elections. Pinutulan kami ng ULO para ipakita na sila ang hari ng bansa, they can do anything at planadung-planado.
“Umalis silang lahat, nag-Amerika, saka nangyari ang lahat ng ito.”
Ang ‘silang lahat’ na tinutukoy ni Phillip ay ang administrasyong Marcos.
Ayon pa kay Phillip, sa kabila ng nangyari kay dating Pangulong Duterte, ay tuloy ang kanilang kampanya.
“Basta kami, tuloy lang ang kampanya and like what PRRD always say, ‘DO WHAT IS RIGHT!’
“Meron tayong mas MALAKING DIYOS! Hindi Niya pababayaan ang bansa natin.
“Malungkot ang sambayanang Pilipino, malungkot ang Inang Bayan. May God bless us all,” pahayag ng aktor.
Well! Well daw, oh?
Gustong pasyal-pasyal na lang abroad…
REGINE AT OGIE, PINAGHAHANDAAN NA ANG PAGRERETIRO SA SHOWBIZ
AMINADO si Asia’s Songbird Regine Velasquez na siya’y edad 54 na at inihahanda ang sarili sa usapang-retirement sa pagkanta balang-araw, especially sa ASAP kung saan siya regular tuwing Linggo sa Kapamilya Network.
Ayon sa news entertainment anchor ng ABS-CBN na si MJ Felipe, isa sa mga napag-usapan sa interview ang tungkol sa pagreretiro.
Ayon kay Regine, 6 more years to go bago siya maging certified senior citizen, hindi na raw siya natatakot pagdating ng panahon, bagkus pinaghahandaan na nito ang araw na ito bagama’t matagal-tagal pa naman daw.
Pahayag niya, “No, I’m excited. Actually, hindi naman. Parang, I’m trying to... ano’ng tawag diyan? Prepare myself for that.
“I mean, it’s not gonna happen naman soon, but I’m preparing myself for that. Because itong work kasi na ito is very addicting, aminin mo ‘yan. Kasi ano, eh, instant gratification lahat, eh. Especially ‘pag nagko-concert ka, instant gratification, eh.
“So, ipine-prepare ko ‘yung sarili ko na, ‘Okay ‘to, ‘yung mga nadi-disappoint ako habang nagko-concert ako. Siguro, this is God’s way na rin of letting me know, ‘Sige, dahan-dahan, para hindi ka…’ Para ‘pag umabot na ako du’n sa kailangan ko na mag-decide talaga na, ‘Yeah, I think it’s my time to stop,’ it wouldn't be too hard for me. And the thing is, I’m sure I’m gonna miss it. But, ‘yun na nga, parang siguro, hindi naman bigla.”
Maging ang asawang si OPM icon Ogie Alcasid, now 57, ay nasabing pinaghahandaan na raw talaga nila ang retirement.
Ayon sa Asia’s Songbird, “Matagal-tagal pa naman nang konti. Hindi pa naman ako mukhang 100. So, konti-konti. And ‘yun na nga, I'm preparing, my husband and I are preparing for it. Lalo na siya kasi he’s a bit older than me.
“So, pinag-uusapan na namin ‘yun na, ‘‘Pag ganito, Hon, siguro, mag-lie-low na ako nang konti.’
“So, ang isip ko rin, ‘Ako rin, Hon.’”
Sa ngayon, sa kanilang health nakatutok ang dalawa at nasa plano rin ng couple ang pamamasyal o pagbibiyahe abroad.
Ani Regine, “And then, we wanna travel while we still can. So, that’s what we wanna do. That’s what I wanna do.”