ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | September 14, 2023
Malapit nang maisabatas ang isang panukala na naglalayong palaguin ang industriya ng asin sa bansa.
Ito ay pagkatapos ipasa sa third and final reading ng Senado ang Senate Bill No. 2243 o ang Philippine Salt Industry Development Act. Isa tayo sa principal author ng panukalang ito.
☻☻☻
Layunin ng batas na ito na lumikha ng Philippine Salt Industry Development Roadmap (PSIDR) at ang inter-agency Philippine Salt Industry Development Council na magpapatupad ng mga programa para sa pag-unlad at pangangasiwa ng Philippine salt industry.
Maglalatag ang Roadmap ng short-, medium-, at long-term development plan para mapalaki ang produksyon ng asin, paramihin ang mga salt-producing area, at sa kalaunan ay gawing net exporter ng asin ang bansa.
☻☻☻
Ayon sa mga eksperto, inaangkat ng Pilipinas ang 90% ng pangangailangan nito sa asin — isang nakalulungkot na kabalintunaan dahil isa tayo sa may pinakamahabang coastline sa buong mundo.
Nasa 550,000 metric tons ng asin ang inaangkat natin, kaya malaking katipiran para sa bansa kung kaya nating palakasin ang produksyon ng asin.
Tinataya ring nasa 100,000 trabaho ang malilikha sa mga kanayunan sa pagpapaunlad ng industriya ng asin.
☻☻☻
Pirma na lang ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang kailangan upang lubos na maging batas ang Philippine Salt Industry Development bill, sapagkat naipasa na rin ng House of Representatives ang bersyon nila ng panukala.
Ngunit unang hakbang pa lang ang pagkakaroon ng batas.
Marami pa tayong kailangang gawin upang muling mabuhay ang salt industry, kasama na ang pagsiguro na maayos na ipapatupad ang mga probisyon ng batas.
☻☻☻
Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal. Malalagpasan din natin ito.
Be Safe. Be Well. Be Nice!
Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.
Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US! Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay
ความคิดเห็น