ni Ronalyn Seminiano Reonico | November 8, 2020
Nagbayad ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ng P700 million sa utang nito sa Philippine Red Cross (PRC) at P377 million na lamang ang balanse.
Saad ni PhilHealth spokesperson Rey Baleña, “Ang atin pong naibayad na sa kabuuan sa Red Cross ay P700 million. Lalabas po sa huling pronouncement ng Red Cross ang balanse pa natin ay mga P377 million pa.”
Matatandaang inihinto ng PRC ang pagsasagawa ng COVID-19 swab testing dahil sa P930 million utang ng PhilHealth.
Nagpapasalamat naman si Baleña na itinuloy na ng PRC ang COVID-19 testing operations matapos makapagbayad ng PhilHealth ng tinatayang P500 million noong October 27.
Comentarios