top of page
Search
BULGAR

PhilHealth Member Portal, nasa eGovPH app na

by Info @Brand Zone | July 15, 2024



DICT PhilHealth


Inanunsyo kamakailan ng Department of Information and Communications Technology (DICT) at Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na kasama na ang PhilHealth Member Portal sa eGovPH mobile app. Dahil dito, mas mabilis at ligtas na ang pagkakaroon ng access ng publiko sa iba’t-ibang serbisyo ng PhilHealth kailan man at saan man sa mundo. 


Sa eGovPH mobile app, maaari nang makita ng miyembro ng PhilHealth ang kanyang membership record, benepisyaryo, bilang ng kontribusyon, at benefit availment history. Maaari ring makita ang listahan at magparehistro sa napiling Konsulta Package Provider. 


Ayon kay DICT Secretary Ivan John E. Uy, ito ay alinsunod sa Ease of Doing Business Act at sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. noong nakaraang State of the Nation Address na pabilisin ang digitalization efforts ng gobyerno para sa mas pinagbuting serbisyo publiko. 


Pinasalamatan naman ni PhilHealth President and CEO Emmanuel R. Ledesma, Jr. ang DICT at sinabing ang “transformative endeavor” na ito ay isang malaking hakbang tungo sa pagpapalaganap ng digitalization. “Ang direktibang ito ay gabay upang mas pagbutihin ang serbisyo ng PhilHealth sa mga miyembro nito. Ngayon, sa ilang click lang ay may kapasidad na ang mga miyembro na makagamit ng serbisyo nang walang kahirap-hirap,” ayon kay Ledesma. 


Upang magamit ang PhilHealth Member Portal, kinakailangang mag-download ng eGovPH app, mag-sign up hanggang sa ma-verify ang account. Kung verified na ang account, maaari nang mag log-in sa eGovPH app anomang oras gamit ang kanilang mobile number.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page