ni BRT @News | July 19, 2023
Hindi pa mangyayari ang pinangangambahang pag-phaseout ng mga tradisyunal na dyip sa bansa.
Ito ang tiniyak ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Gayunman, mangyayari pa rin umano ito na posibleng ipatupad sa loob ng dalawa hanggang tatlong taon mula ngayon.
Ayon kay LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III, base sa 40 konsultasyong isinagawa ng pamahalaan, ang pangkalahatang daing ng sektor ng transportasyon ay ang phaseout ng traditional jeepney.
Pero tiniyak naman ng opisyal na maaari pa ring pumasada ang jeepney drivers sa kanilang mga ruta basta’t roadworthy o ligtas bumiyahe ang kanilang sasakyan o pumasa sa basic tests ng Land Transportation Office (LTO).
Comments