ni Thea Janica Teh | September 1, 2020
Nagsimula na sa Phase 3 trial ang British drugmaker na AstraZeneca para sa experimental coronavirus vaccine sa US. Ito ang pangatlong kumpanya na gumagawa ng vaccine panlaban sa COVID-19.
Nangangailangan ang AztraZeneca ng halos 30,000 adult volunteers na may edad 18 pataas mula sa iba't ibang lahi, ethnic at geographic groups na may magandang kalusugan at stable na medical condition, at kabilang na rin 'yung may kaso ng HIV at COVID-19.
Ang mga makikilahok ay makatatanggap ng 2 active ng placebo doses sa apat na linggong pagitan.
Sa kasalukuyan, isinasagawa na ang Phase 3 trial ng vaccine ng AstraZeneca sa Britain, Brazil at South Africa. Plano rin nitong magsagawa ng trial sa Japan at Russia.
Ang US trial ay pinondohan ng Biomedical Advanced Development Authority at National Institute of Allergy and Infectious Diseases na kabilang sa National Institute of Health (NIH) ng pamahalaan.
Ayon kay NIH Director Dr. Francis Collins, committed at suportado ng NIH ang Phase 3 vaccine trial upang tumaas ang tsansa ng pagiging epektibo ng ginagawang vaccine.
"We also know that preventing this disease could require multiple vaccines and we're investing in those that we believe have the greatest potential for success."
Dagdag pa ng AstraZenca, target nilang makakuha ng 50,000 volunteers globally kabilang ang 30,000 sa United States pati na rin sa Latin America, Asia, Europe at Africa. Bukod pa rito, ibinahagi rin ng AstraZeneca na susundin nito ang strict requirement na ibinigay ng global regulators.
Comments