top of page
Search

PH Red Cross volunteers, naka-standby para sa Traslacion 2024

BULGAR

ni Eli San Miguel - Trainee @News | January 6, 2024




Tiniyak ng Philippine Red Cross (PRC) ngayong Sabado na naka-standby ang kanilang mga volunteers upang tumulong sa milyun-milyong mga deboto na dadalo sa Traslacion 2024 sa Quiapo Church at Quirino Grandstand mula Enero 7 hanggang 10.


Binanggit ng PRC sa isang pahayag na magpapadala sila ng higit sa 1,000 na first aiders, Emergency Response Unit (ERU) personnel, at Emergency Medical Teams (EMT) sa 10 first aid stations at welfare desks para sa ruta ng prusisyon.


Magde-deploy ang organisasyon ng mga volunteers mula sa iba't ibang chapters sa National Capital Region (NCR) at lalawigan ng Rizal.


Itatayo rin nila ang isang Emergency Field Hospital (EFH) malapit sa Kartilya ng Katipunan upang palakasin ang EFHs ng Department of Health (DOH) at ng Disaster Risk Reduction and Management Office.


Dinagdag pa ng PRC na mayroong 17 ambulansya, isang fire truck, dalawang rescue boat, at isang amphibian vehicle na ilalagay sa buong ruta ng prusisyon.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page