top of page
Search

PH Red Cross, nagbigay-suporta sa mga biktima ng lindol sa Taiwan

BULGAR

ni Eli San Miguel - Trainee @News | April 6, 2024




Inihayag ng Philippine Red Cross (PRC) nitong Sabado ang kanilang suporta sa Taiwan matapos itong makaranas ng lindol na may 7.4 magnitude na yumanig sa buong isla.


“Our hearts go out to the people of Taiwan as they grapple with the aftermath of the recent 7.4 magnitude earthquake,” pahayag ni PRC Chairman and Chief Executive Officer (CEO) Richard “Dick” J. Gordon.


“Our thoughts are with those who have lost loved ones, homes, and livelihoods in this tragic event,” dagdag niya.


Nangyari ang trahedya noong Abril 3, na itinuturing bilang pinakamalaking lindol sa Taiwan sa loob ng 25 taon.


Ayon sa mga ulat, nagdulot ang pangyayari ng maraming pagkasawi at higit sa 1,000 katao ang nasaktan.


Bukod dito, ipinunto ni Gordon na nakatuon ang organisasyon sa pagbibigay ng anumang suporta sa mga tao ng Taiwan, lalo na sa panahong ito.


“As Chairman of the Philippine Red Cross, together with our global network of partners, we are committed to providing any support we can to our brothers and sisters in Taiwan during this challenging time,” aniya.


“We stand in solidarity with Taiwan during this difficult time and pray for recovery and healing,” dagdag ni Gordon.

0 comments

Kommentarer


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page