Filni Angela Fernando - Trainee @News | November 3, 2023
Magkakaroon ng pag-uusap ukol sa seguridad ng mga maritime sina Philippine Coast Guard (PCG) Commandant Adm. Ronnie Gil Gavan, Japanese counterpart (JCG) Commandant Admiral Shohei Ishii at Japanese Prime Minister Fumio Kishida sa Maynila, bukas.
Ayon sa tagapagsalita ng PCG na si Rear Adm. Armand Balilo ngayong Biyernes, inaasahang ang kasalukuyang sitwasyon sa seguridad sa marine sa rehiyon ang laman ng magiging pag-uusap at kung paano pagtutulungan ng PCG at JCG ang pagpapaunlad ng kaalaman at palitan ng personnel.
Inaasahang dadating ng bansa si Kishida, 2:00 p.m., sakay ng Japan-made PCG vessel.
Kasalukuyang may Memorandum of Cooperation ang PCG at JCG na naglilingkod bilang gabay sa gawain ng isa't isa.
Comments