ni Jasmin Joy Evangelista | March 18, 2022
Nasungkit ng pambato ng Pilipinas na si Kathleen Paton ang korona sa 2022 Miss Eco International na ginanap sa Triumph Luxury Hotel sa Egypt ngayong March 18 (Manila Time).
Ito na ang ikalawang korona ng bansa matapos manalo ni Cynthia Thomalla noong 2018.
Nakapagtala rin ang Pilipinas ng back-to-back first runner-up finish sa mga pambatong sina Maureen Montagne at Kelly Day noong 2019 at 2021.
Walang pageant na ginanap noong 2020 dahil sa COVID-19 pandemic.
Ang Miss Eco International ay ang ikalawang global beauty title ni Paton. Siya ay kinoronahan din bilang Miss Teen International noong 2017.
Pumasok si Paton sa Top 21 spot matapos matapos makuha ang Best in Eco Video award.
Itinanghal naman bilang 1st runner up si Miss Belgium kasunod sina Miss USA, Miss Spain, at Miss Malaysia.
Bilang 2022 Miss Eco International, si Paton ay bibigyan ng oportunidad na magsilbi bilang United Nations ambassador for the environment.
Comments